DEAR Ateng Beth,
Good evening po. Ako po si JR. May problema po ako tungkol sa asawa ko. Nakipaghiwalay siya sa akin dahil nakahanap na siya ng iba. Madami kaming anak, anim po at kasal kami.
Ano kaya ang dapat kong gawin?
JR
Hello, JR.
Unang-una, hindi ko alam kung ikaw ang misis o kung ikaw ba ang mister. Hindi mo kasi nabanggit sa iyong text.
Anyway, hindi na mahalaga kung anong kasarian mo.
Ang importante, mag-usap kayong mag-asawa kung paano susuportahan ang inyong mga anak.
Marami yan at sadyang magastos ang pagpapalaki ng bata — mula pagkain, bahay, damit, edukasyon at kung ano-ano pa. At sa tingin ko mahirap itong gawin nang solo ka lamang, unless milyonaryo ka at kabi-kabila ang iyong negosyo.
Bukod pa sa usapin sa pera, kailangan ng mga bata ang patnubay at pagmamahal ng kanilang mga magulang. Kaya talagang dapat kayong mag-usap ng asawa mo.
Tapos mag-usap din kayo ng mga anak mo. Ipaliwanag sa mga nakatatanda o nakaiintindi na ang sitwasyon ninyo. May mga adjustments kayong gagawin, kamo.
Kung may opinyon sila, pakinggan mo at ikonsidera.
Kung may trabaho ka, magsumikap o magnegosyo kahit maliit lang.
Kung wala kang trabaho, baka kaya ka iniwan (joke lang), kaya hanap ka na ng trabaho.
Kung ayaw na kasi ng asawa mo sa iyo, mahirap na magsama pa kayo. Baka magkasakitan, lalong matu-trauma ang mga bagets, kaya wag nang ipagpilitan. Mas madali kang maka move on para sa mga anak mo at sa sarili mo, mas mabuti.
Mahirap yan, oo, pero hindi imposible.
Ateng Beth.
May problema ka ba kay misis o mister, sa BF o sa GF? Gustong maligawan, o kaya ay gustong kumalas sa kasintahan? May problema sa mga anak o mga magulang? Pera ba kamo? Aba’y isulat na yan kay Ateng Beth sa [email protected] o kaya ay i-text sa 09989558253.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.