Masamang pangitain para sa mga kriminal | Bandera

Masamang pangitain para sa mga kriminal

Ramon Tulfo - August 01, 2017 - 12:10 AM

ANG pagpatay kay Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr. at ilan sa kanyang mga bodyguards ng mga pulis na nagsisilbi ng warrant of arrest noong Linggo ay matagal na dapat ginawa ng mga otoridad.

Hindi kataka-taka sa inyong lingkod ang nangyari; katunayan pa niyan, matagal ko nang hinihintay yun.

Sinabi ng Davao City Mayor Rodrigo Duterte maraming taon na ang nakararaan na kapag siya’y naging Pangulo, kanyang ipapasalvage ang mga Parojinog dahil diumano’y sangkot ang mga ito sa droga at iba’t ibang krimen.

Naging malakas sa pulitika ang mga Parojinog matapos nagkamal ng malaking salapi ang mga ito dahil sa panghohold-up sa mga bangko at maging kidnap-for-ransom.

Mga taong 1990 hanggang 2000 ang kasagsagan ng panghohold-up sa bangko at kidnapping for ransom ng Kuratong Baleleng, na itinatag ni Parojinog.

Dahan–dahang lumipat sa droga ang mga Parojinog matapos mangyari ang Kuratong Baleleng massacre noong 1995.

Labing-isang miyembro ng Kuratong Baleleng ang sinalvage ng mga pulis sa Quezon City, Gangland-style.

Dahil dito, lumipat sa droga ang Kuratong.

Sinusuhulan nila ang mga pulis, piskal at huwes, at kung hindi tumanggap ng kanilang suhol ay pinapatay nila sa ambush ang mga ito.

“Patyon gyud nako sila, bai, kay way makatandog sa ila kay hadlok man nila (Papatayin ko ang mga yan, pare, dahil walang mangahas na lumaban sa kanila dahil takot sa kanila),” sabi ni mayor sa akin.

Binanggit ni Digong ang mga katagang yan sa aking pakikipag-usap sa kanya sa isang Chinese restaurant sa Davao City.

Parang nangangarap lamang si Digong noon dahil di naman niya akalain—not even in his wildest dreams—na magiging Pangulo siya ng Pilipinas.

Paulit-ulit niyang sasabihin sa akin yan nung inuudyok ko siyang tumakbo bilang Pangulo—ito’y mga 15 years bago siya tumakbo—dahil alam niyang nagbibiruan lang kami.

“Ah, daghang mamatay, Mon, magpresidente ko kay di nako buhion ang tanang buang (Maraming mamamatay, Mon, dahil di ko sasantuhin ang lahat ng masasamang loob), “palagi niyang sinasabi sa inyong lingkod.

At ngayon na Pangulo na siya, tinotoo niya ang kanyang sinabi.

Ang pagpatay kay Parojinog sampu ng kanyang 11 na mga bodyguards ay senyales na uumpisahan na ang paglipol ng malalaking isda sa mga sindikato ng droga at krimen.

Kahit ano pa man ang sabihin ng mga human rights advocates, maganda ito para sa bayan at lipunan.

***

Yan ang magandang pagsalvage sa isang taong salot sa lipunan dahil may senaryo.

Iginalang ng mga otoridad ang kakayanan ng taumbayan sa pag-iisip.

Ang pagsalvage kay Mayor Rolando Espinosa ng Albuera, Leyte, na sangkot diumano sa pagpapakalat ng droga sa Eastern Visayas, insulted people’s intelligence ‘ika nga.

Garapalan kasi ang pagpatay at ginawa pang bobo ang taong bayan nang sabihin ng mga pulis na ito’y nakipagbarilan sa kanila.

Por Dios, por santo, paano naman makikipagbarilan si Espinosa sa mga pulis samantalang nasa loob ito ng kulungan sa sub-provincial jail ng Leyte?

Nang gumawa ng senaryo ang mga pulis sa pagpatay kay Parojinog ay ipinakita nila na ginagalang nila ang pag-iisip ng taumbayan.
Hoy, mga pare, di naman tanga ang taumbayan ‘no!

 

***

Kung totoo ang sinabi ni PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa na iniutos ng Pangulo sa kanya na lipulin ang New People’s Army, mali yata ang inatasan niya.

Dapat ang inatasan ng Pangulong Digong ay ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at hindi ang
Philippine National Police o PNP.

Walang kakayahan ang PNP na lipulin ang NPA.

In fact, palagi ngang natatalo ng NPA ang mga kapulisan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang primary source ng baril ng mga rebeldeng komunista ay ang mga police stations sa mga liblib
na bayan dahil madali itong ma-raid ng NPA at kinukumpiska ang mga armas ng mga pulis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending