DA who ang isang mataas na opisyal na feeling troll pa rin kung umasta sa kabila ng pagiging bahagi na ng gobyerno.
Idinaan sa blog ni kontrobersiyal official ang kanyang pagresbak sa media matapos namang matanong kaugnay ng pagsusuot niya ng uniporme ng militar.
Nabatikos kasi ang komedyanang si Mae Paner na kilala bilang Juana Change sa kanyang pagsusuot ng military uniform noong nakaraang protesta sa ikalawang State of the Nation Address (SONA) at binalak pang kasuhan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), bagamat hindi na itinuloy ito.
Natanong naman sa isang briefing kung anong kaibahan ng pagsusuot ni Mae Paner ng military uniform sa pagsusuot ng kontrobersiyal na opisyal ng uniporme ng militar.
Lagi kasing kasama ang opisyal sa pagbisita sa mga kampo ng militar kung saan nakasuot siya ng fatigue uniform.
Sobrang nag-react ang kontrobersiyal na opisyal at idinaan sa kanyang blog ang paghingi ng saklolo sa kanyang followers.
Ang ending, super react ang kanyang mga tagasunod at kinuyog ang mga mamamahayag na nagtanong lamang hinggil sa isyu.
Feeling pa rin ng opisyal na blogger pa siya sa kabila ng pagkakaroon ng mataas na posisyon sa gobyerno.
Nabigyan lamang siya ng posisyon sa gobyerno matapos naman ang pagtulong sa kampanya noong nakaraang eleksiyon.
Ang siste nito, idinadaan pa rin ng opisyal sa kanyang mga troll ang pagbatikos sa mga pumupuna sa kanya.
Gusto nyo ba ng clue? Kilalang-kilala ang opisyal sa kanyang mga follower bilang isang “guru” dahil sa kanyang mga itinuturo, bagamat hindi naman wholesome.
Ito pa ang clue, bukod sa pambabash sa mga bumabatikos sa kanya, ang tanging trabaho lamang ng opisyal na sumusweldo ng napakalaki ay mag-Facebook live at lagyan ito ng hashtag na exclusive.
I’m sure hindi nyo na kailangan ng iba pang clue dahil kilalang-kilala nyo na siya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.