Hulog sa SSS hindi inire-remit | Bandera

Hulog sa SSS hindi inire-remit

Liza Soriano - July 29, 2017 - 12:10 AM

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line at sa bumubuo ng inyong pahayagan. May malaki po kasi akong problema sa kumpanyang aking pinagtatrabahuhan. Matagal-tagal na rin po ako sa trabaho pero nalaman ko na hindi nagreremit ng contribution ang kumpanya.

Ano po ang dapat kong gawin? Itago n’yo na lamang ako sa pangalang Andy. Natatakot po ako na mapag-initan ng aking amo. Ano po ang dapat kong gawin sana po ma-tulungan ako ng SSS sa pamamagitan ng inyong column.

 

REPLY: Ito ay tungkol sa inyong e-mail kaugnay sa reklamo ni Andy sa kanyang kumpanya dahil sa hindi pagre-remit nito ng kanyang kontribusyon.

Iminumungkahi namin na siya ay maghain ng non-remittance complaint laban sa kanyang employer sa pinakamalapit na SSS branch para maimbestigahan ito.
Kailangan lang pong magdala si Anday ng payslip at company ID o anumang katibayan na siya nga ay nagtatrabaho sa sinasabi niyang kumpanya.

Hindi siya dapat matakot na maghain ng reklamo laban sa kanyang employer sapagkat mayroong rule on anonymity ang SSS kung saan hindi ibubunyag ang pangalan ng nagrereklamong miyembro.

Kung makitaan ng paglabag ang inirereklamong kumpanya sa mga responsibilidad nito sa SSS, sila ay mahaharap sa kasong paglabag sa Section 28(e) ng Republic Act 8282 o ang Social Security Act of 1997 at pagbabayarin ng kanilang obligasyon sa SSS.

Sana ay nabigyan natin ng malinaw na sagot si Andy sa inyong pahayagan. Maraming salamat po.

 

Sumasainyo,
May Rose DL Francisco
Social Security Officer IV
SSS Media Affairs Department

May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending