Signal No. 2 itinaas sa Batanes dahil sa bagyong Gorio
ITINAAS ang signal number 2 sa Batanes dahil sa patuloy na paglakas ng bagyong Gorio, ayon sa state weather bureau. Samantala, nakataas naman ang signal no. 1 sa Babuyan Group of Islands. Namataan si Gorio 300 kilometro silangan ng Basco, Batanes, at inaasahang magdudulot ng katamtaman hanggang sa malalakas na pag-ulan sa loob ng 600 kilometro. Patuloy namang palalakasin ni Gorio ang habagat, dahilan para magdulot ng katamtaman hanggang malalakas na ulan sa kanlurang bahagi ng Luzon, kasama na ang Metro Manila at bahagya hanggang katamtamang pag-ulan sa iba pang bahagi ng Luzon. Patuloy namang nasa labas ng Philippine area of responsibility (PARA) ang isa pang sama ng panahon na namataan sa bahagi ng West PhilippineSea. Hindi rin ito inaasahang papasok sa Par. Inaaasahang lalabas si Gorio sa Par sa Linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.