Bahay sa Baguio nasunog; P100K naabo | Bandera

Bahay sa Baguio nasunog; P100K naabo

Wensy Valenzuela - July 26, 2017 - 06:54 PM
Di bababa sa P100,000 halaga ng ari-arian ang naabo nang masunog ang bahagi ng isang 2-palapag na bahay ng negosyante Baguio City kahapon, ayon sa mga otoridad. Pagmamayari ni Wahab Macalangan, 44, ang napinsalang bahay sa Crystal Cave, Bakakeng Central, ayon sa ulat ng Cordillera Regional Police. Naganap ang insidente dakong ala-1 ng hapon. Sinabi sa pulisya ng isang residente na nakarinig muna siya ng pagsabog at matapos iyo’y napansin na umuusok na ang bahay. Iginiit naman ng may-ari na bago siya umalis ng bahay dakong alas-7 ng umaga’y hinugot niya sa pagkakasaksak lahat ng appliance, kaya walang tumatakbong kuryente na maaaring maging sanhi ng pagsabog. Naapula ang apoy pasado alas-2 ng hapon at di bababa sa P100,000 ang dinulot nitong pinsala, ayon sa ulat ni Insp. Hesus Yango, ng Baguio Fire Department.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending