Pinasisingil ng Commission on Audit sa Commission on Higher Education ang mga estudyante na nangutang sa ilalim ng Study Now Pay Later program ng gobyerno.
Ayon sa COA, sa P85 milyon na ipinautang ng CHED ang nasingil lamang nito ay P408,000.
Sinabi ng COA na mahina ang loan repayment mechanism ng apat na regional office ng CHED.
Inirekomenda ng COA na humingi ang CHED ng tulong sa National Bureau of Investigation upang mahanap ang mga nangutang at ang mga guarantor nito para masingil.
Sinabi ng CHED na magpapadala ito ng follow-up demand letter sa mga nangutang at guarantor at gagamitin ang iba pang legal na hakbang upang makapaningil.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending