LPA naging bagyo na | Bandera

LPA naging bagyo na

Leifbilly Begas - July 25, 2017 - 06:18 PM

    Naging isa ng ganap na bagyo ang Low Pressure Area na binabantayan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration.     Pinangalanan itong Gorio, ang ikapitong bagyo na pumasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong taon.     Makararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ang nasa loob ng 300 kilometrong diametro mula mata ng bagyo.     Kahapon ng hapon, ito ay was allaying 565 kilometro sa silangan ng Legaspi City sa Albay.     Mayroon itong hangin na umaabot sa 55 kilometro bawat oras. Umuusad ito sa direksyon ng hilaga-hilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.     Ngayong umaga inaasahan na ang bagyo ay nasa layong 685 kilometro sa silangan ng Casiguran, Aurora. Bukas ito ay inaasahang nasa layong 625 kilometro sa silangan ng Calayan, Cagayan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending