‘Ilocos 6’ laya na | Bandera

‘Ilocos 6’ laya na

Klariza Gabrido- Bandera Inern, Leifbilly Begas - July 25, 2017 - 05:50 PM

MATAPOS ang 57 araw na pagkakakulong ay pinalaya na ng House committee on good government and public accountability ang Ilocos 6.

Kahapon ay nakuntento na ang mga miyembro ng komite sa sagot ng mga opisyal ng Ilocos Norte provincial government na sina Pedro Agcaoili, Evangeline Tabulog, Josephine Calajate, Eden Battulayan, Genedine Jambaro, at Encarnacion Gaor.
Nagulat naman si House majority leader at Ilocos Norte Rep. Rodolfo Farinas dahil bigla umanong tumalas ang memorya ng anim nakita lamang si Gov. Imee Marcos sa pagdinig.
Ipinakulong ng komite ang anim noong Mayo 29 matapos na hindi umano “sumagot nang totoo” sa tanong ng mga mambabatas na nag-iimbestiga sa P66 milyong halaga ng mga sasakyan na binili ng probinsya gamit ang tobacco excise tax fund.
Isa-isa namang ipinakita sa anim ang kanilang mga pirma sa tseke na ipinapalit sa bangko upang ipambayad sa mga sasakyan.
Sa huling bahagi ng pagdinig, tinanong ni Farinas kung totoo na mayroong swimming pool ang bahay ni Jambaro.
Sinabi naman ni Jambaro na hindi lamang sa kanya ang bahay kundi sa kanilang pamilya.
Ayon kay Farinas, marami siyang natatanggap na mga text message kaugnay ng mga ari-arian umano ng anim na kahina-hinala dahil hindi naman kalakihan ang sahod ng mga ito.
Nagpalakpakan ang ilang tao na nakikinig sa pagdinig matapos na marinig ang mosyon ni Farinas na palayain na ang mga ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending