San Beda, JRU nanaig sa EAC, Letran | Bandera

San Beda, JRU nanaig sa EAC, Letran

Angelito Oredo - July 21, 2017 - 11:00 PM

NAG-INIT ang defending champion San Beda Red Lions sa ikatlong yugto upang biguin ang nakatapat na Emilio Aguinaldo College Generals, 81-69, sa NCAA Season 93 men’s basketball tournament Biyernes sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Itinala ni Jomari Presbitero ang kanyang career-high 16 puntos sa pakikipagtulungan kay Clint Doliguez at Fil-Am Davon Potts upang pag-initin ang Red Lions sa ikatlong yugto tungo sa pagdomina sa Generals at pagpapalobo sa kanilang abante sa pinakamalaking 19 puntos sa pagtatapos ng ikatlong yugto, 62-43.

“Hindi ko naisip na magagawa ko ang career high dahil nakatutok lang ako sa paglalaro ng game ko at pagsunod sa game plan ni coach,” sabi ni Presbitero, na kumulekta rin ng tatlong assists at dalawang steals.

Ang Cameroonian na si Donald Tankoua ay humugot ng 12 puntos sa pinakamaganda nitong laro ngayong taon matapos magbalik mula sa torn MCL (medial collateral ligament) na natamo nito sa ikalawang round ng eliminasyon noong nakaraang taon.

Nahulog naman ang Generals, na pinamunuan ni Francis Munsayac na may 21 puntos, sa 1-3 panalo-talong kartada.

Sa ikalawang seniors game, umasa ang Jose Rizal University Heavy Bombers kay Jed Mendoza upang biguin ang Letran Knights, 65-62, at itala ang kabuuang 2-2 panalo-talong record.

Kumamada ang 21-anyos na si Mendoza ng career-best 17 puntos kabilang ang isang krusyal na steal sa huling segundo ng laro upang ipreserba ang panalo kontra sa Knights na nahulog sa 1-2 kartada.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending