Gilas Pilipinas pinataob ng Canada | Bandera

Gilas Pilipinas pinataob ng Canada

Angelito Oredo - July 15, 2017 - 10:00 PM

Laro Ngayon
(Taipei Peace Basketball Hall)
3 p.m. Philippines vs Republic of China White

AGAD nakalasap ng kabiguan ang Gilas Pilipinas sa ginaganap na 2017 William Jones Cup o ika-39th edisyon ng mas kilala na Jones Cup matapos na mabigo sa World 24th ranked Canada, 90-77, sa unang araw ng torneo na ginaganap sa Chinese Taipei International Basketball Hall sa Taipei, Taiwan.

Hindi nasustinahan ng National squad ang naitala nitong 20-19 abante sa pagtatapos ng unang yugto kung saan umatake ang mas matatangkad na Canadians sa ikalawang yugto sa pagtala ng 25-14 puntos upang agawin ang abante sa 44-34 patungo sa unang hati ng labanan.

Pinilit ng Gilas na maghabol sa ikaapat na yugto kung saan dalawang sunod na tres ni Kiefer Ravena ang nagtulak sa 68-82 at huli pang lumapit sa 73-85 matapos ang dalawang free throw ni Ravena at kumpletong three-point play ni Bobby Ray Parks Jr. sa huling 2:10 ng laro.

Gayunman isang tres ang iginanti ni Joey Haywood upang muling ilayo ang Canada sa 88-73.

Pinamunuan ni Ravena ang Gilas sa itinalang 12 puntos, 5 rebounds, 3 steals at 3 assists habang si Parks ay may 11 puntos, 5 rebounds, 2 assists at 3 steals.

Itinala ng Canada, na matatandaang kinapos sa qualifying para sa 2016 Summer Olympic Games sa Rio de Janeiro, ang pinakamalaki nitong abante sa 78-62 sa ikaapat na yugto tungo sa pagsungkit sa una nitong panalo.

Matatandaan na kinailangan ng Canada na manalo sa finals ng Olympic Qualifying Tournament na ginanap sa Pilipinas noong isang taon para umusad subalit nabigo ito sa matinding labanan kontra sa France, 74-83.

Sunod na makakasagupa ng national basketball team ang host squad Team B ngayong alas-7 ng gabi, ang host country Team A sa Lunes sa alas-3 ng hapon, ang Japan sa Martes sa ala-1 ng hapon, ang South Korea sa alas-5 ng hapon sa Miyerkules at Iraq sa alas-5 ng hapon sa Huwebes.

Makakasagupa nito ang Lithuania sa alas-3 ng hapon sa Biyernes, ang India sa Sabado sa ala-1 ng hapon at ang tatlong sunod na Asian Games champion Iran sa alas-5 ng hapon sa Linggo, Hulyo 23, sa ikasiyam at panghuli nitong diretsong laban sa siyam na araw na torneo.
Boxscores:
Canada 90 – Williamson 15, Haywood 12, Kapelan 12, Kyser 12, Wood 9, Smith 9, Friesen 8, Sutherland 5, Keith 4, Morgan 2, Bachynski 2
Pilipinas 77 – Ravena 12, Parks Jr. 11, C.Cruz, 10, Wright 9, Standhardiner 9, Myers 7, Jalalon 5, Paras 4, Pogoy 4, Ferrer 3, Belo 3, R. Jose 0
Quarterscores: 19-20, 44-34, 66-54, 90-77

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending