Horn naghamon ng rematch vs Pacquiao | Bandera

Horn naghamon ng rematch vs Pacquiao

- , July 13, 2017 - 09:17 PM

NAGPAHAYAG ng kahandaan si Manny Pacquiao na magpapatuloy sa pagbo-boksing habang si Jeff Horn naman ay pumayag na magkaroon ng rematch kay Pacquiao para patunayan na karapatdapat siya bilang bagong kampeon ng  World Boxing Organization (WBO) welterweight division.

Noong Hulyo 2 ay tinalo ni Horn si Pacquiao sa pamamagitan ng unanimous decision para maagaw ang korona sa Filipino boxing legend.

Marami naman ang tumuligsa sa naturang desisyon at sinuportahan din ni Pacquiao ang kahilingan ng Games and Amusements Board (GAB) sa WBO na repasuhin ang scoring ng naturang laban.

Naglabas naman ng desisyon ang WBO sa linggong ito at sinabing hindi nagkamali ang mga hurado sa pagbibigay ng panalo kay Horn sa kanilang laban na ginanap sa kanyang hometown sa Brisbane, Australia. Sa kanilang scorecard ay nakuha ni Horn ang pito sa 12 rounds ng laban.

At para matahimik na ang mga “bashers” ni Horn ay hinamon niya si Pacquiao sa isang rematch.
“I kind of feel it has been put to bed and that I definitely won the fight because it has been rescored,” sabi ni Horn sa panayam ng AFP sa Los Angeles, California, USA kahapon.

“But people are always going to have their opinions and you’re not going to be able to change those. So I guess the only way you’re going to be able to do it is to have a rematch. And I think I would do better a second time.”

Sinabi rin ni Horn sa mga reporters sa Los Angeles na sa kanyang paniwala ay tinalo niya ng malinis si Pacquiao.

Bagaman duguan sa laban bunga ng dalawang “accidental headbutt” ay sinabi ng 38-anyos na si Pacquiao na hindi pa siya handang magretiro sa boxing.

“I love this sport and until the passion is gone, I will continue to fight for God, my family, my fans and my country,” sabi ni Pacquiao.

Kung ang American trainer ni Pacquiao na si  Freddie Roach naman ang masusunod ay nais niyang tumigil na sa pagbo-boksing ang kanyang alaga.

Pero ayon sa US promoter ni Pacquiao na si Bob Arum, sinabi sa kanya ni Pinoy boxing superstar na ayaw niyang ang kanyang huling laban ay isang kabiguan kung kaya nais din niyang labanang muli si Horn para makaganti at mabawi ang naagaw na korona.

Sinabi rin ni Arum na kung matutuloy ang rematch ay maaari itong itakda sa Melbourne, Australia sa darating na Nobyembre.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bagaman nanalo si Pacquiao ng titulo sa pitong magkakaibang dibisyon ay walong taon na ang nakalilipas nang huli siyang nakapagtala ng knockout win.

Ito ang dahilan kung bakit hiling ng karamihan sa kanyang fans ay nais nang tumigil sa pagbo-boksing si Pacquiao at tumutok na lang sa kanyang trabaho bilang Senador.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending