AJ Muhlach sa paghuhubad sa Movie: Ok lang kung makita nila si Junior! | Bandera

AJ Muhlach sa paghuhubad sa Movie: Ok lang kung makita nila si Junior!

Reggee Bonoan |July 14,2017
facebook
share this

AJ Muhlach sa paghuhubad sa Movie: Ok lang kung makita nila si Junior!

Reggee Bonoan - July 14, 2017 - 12:15 AM

AJ MUHLACH AT PHOEBE WALKER

INAMIN ni AJ Muhlach sa solong panayam namin pagkatapos ng presscon ng launching movie niyang “Double Barrel” mula sa Viva Films na hindi siya nag-isip ng malisya sa love scene nila ng kanyang leading lady na si Phoebe Walker.

Ayon sa aktor, mas inisip daw niyang protektahan ang aktres dahil pareho raw silang hubo’t hubad sa eksena, “Ang iniisip ko lang po all throughout the love scene is ‘yung protektahan ko siya kasi babae po, ‘yung katawan niya baka masilipan kasi may ibang tao sa set.”

Biniro namin na okay lang na siya na lang ang masilipan, “Ay wala na po akong pakialam sa katawan ko, sayang naman kung hindi ko ipakita. Ha-hahaha!” natawang sagot sa amin ng aktor.

Parehong naka-plaster lang sina AJ at Phoebe sa nasabing love scene, “May napkin po muna saka nilagyan ng plaster kaya talagang kailangang alagaan si Phoebe.”

Papasa ba ito sa MTRCB? “Hindi naman po ipinakita all the way, maganda naman po ‘yung pagkakagawa ni direk Toto Natividad. Saka iyon po kasi ang opening scene sa movie para pampataas daw agad ng energy,” pag-amin ni aktor.

May girlfriend na si AJ, graduating na raw ito ng kursong Masscom sa UST at pitong taon na sila.

Ipinasok din daw niyang artista ang dalaga sa Viva.

Hindi naman nagselos ang girlfriend ng aktor kay Phoebe, “Alam po niyang trabaho lang lahat at saka matagal na po kami, marami na kaming napagdaanan pero kami pa rin,” katwiran ni AJ.

Samantala, inamin din ng baguhang aktor na napili na niya ang gusto niyang gawin sa kanyang career,

“Ito po pala ang gusto ko, maging action star, final na ito. Dati kasi, naguguluhan pa ako kung ano ang dapat i-market sa akin, kung matinee idol ako, singer o dancer, ngayon okay na, action po pala.

“Bago naman po ako inalok dito sa Double Barrel, may background po ako sa martial arts for two years straight. Nag-training po ako ng Filipino Martial Arts, Pekiti Tirsia Kali po name nu’ng martial arts, combat arts siya actually na itinuturo sa mga sundalo tapos nu’ng pumayag na si direk Toto na ako ang maging bida, nabanggit ko na may background ako, so nakatulong po siguro ‘yun, tapos nandiyan naman si tatay Val Iglesias para tulungan ako sa stunt.”

Umaasa si AJ na sa pamamagitan ng “Double Barrel” ay tanggapin siya ng publiko bilang action star at sana’y magtuluy-tuloy na uling sumigla ang action films sa bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood ang “Double Barrel” sa Agosto 2, kasama rin dito nina AJ at Phoebe sina Ali Khatibi, Jeric Raval at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending