RocSan loveteam kilig overload sa ‘Haplos’ ng GMA | Bandera

RocSan loveteam kilig overload sa ‘Haplos’ ng GMA

|July 13,2017
facebook
share this

RocSan loveteam kilig overload sa ‘Haplos’ ng GMA

- July 13, 2017 - 12:25 AM

ROCCO NACINO AT SANYA LOPEZ

PINATUNAYAN muli nina Sanya Lopez at Rocco Nacino ang magic ng kanilang tambalan sa mga unang episode ng bago nilang serye sa GMA 7, ang Haplos.

Puro papuri at magagandang komento ang nabasa namin sa Twitter at Instagram tungkol sa pagsisimula ng Haplos na napapanood sa Afternoon Prime ng Kapuso Network.

Ibang klaseng kilig ang agad na pinatikim ng Kapuso loveteam na RocSan sa mga viewers. Sa kwento kasi ay ginagampanan nila ang karakter nina Angela at Gerald na secret lovers pala. Ibang atake naman ang ipinamalas nina Rocco at Sanya sa nasabing serye na ibang-iba sa napanood ng publiko sa Encantadia.

At siyempre, hindi rin naman nagpakabog ang favorite naming Kapuso kontrabida na si Thea Tolentino sa kanyang mga eksena sa Haplos, dahil bilang si Lucille ay ipinasilip na niya agad ang kakayahan sa pangkukulam.

Kaya naman hindi na nakagugulat na waging-wagi ang pilot episode ng programa sa ratings game dahil ngayon pa lang ay naiitriga na ang mga manonood sa magiging takbo ng kuwento.

Kasama rin sa serye sina Pancho Magno, Patricia Javier, Francine Prieto, Celia Rodriguez, Emilio Garcia at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending