Promise ni Mother Lily sa movie industry at entertainment press: Simula pa lang ito! | Bandera

Promise ni Mother Lily sa movie industry at entertainment press: Simula pa lang ito!

Jun Nardo - July 11, 2017 - 12:10 AM

Mother Lily Monteverde named producer of the year

SOBRANG aliw ang mag-amang Edu at Luis Manzano on and off camera nang magsama silang hosts para sa unang The Eddys The Entertaiment Editors’ Award mula sa SPEEd (Society of Philippine Entertainment Editors) na ginanap last Sunday sa Kia Theater.
Inilabas ng mag-ama ang galing sa paghu-host at pagiging witty sa harap ng kamera pero pag commercial break, umaariba ang kalokohan nila. Pakanta-kanta pa si Luis para aliwin ang mga tao sa venue.

Eh, wala rin silang sapawan sa isa’t isa. Kahit naloloko ni Luis ang ama, nandoon pa rin ang respeto niya.

Of course, hindi lang ang presence nina Doods at Lucky ang pinapurihan sa pamimigay ng awards ng SPEEd. Pasabog na agad ang opening number nina James Reid at Nadine Lustre. Nakabibingi ang sigawan ng fans sa Kia na parang wala silang pakialam sa tsismis na live in na ang dalawa.

Palambutan naman ng katawan ang loveteam nina Ella Cruz at Julian Trono na nagpaandar din sa kanilang production number. Pero ang kinabiliban ng lahat ay ang pagiging dancer ni Arjo Atayde na nakipagsabayan on stage kay Yassi Pressman sa paghataw at pagkembot!

Touching naman ang tribute sa namayapang composer na si Willy Cruz na binigyang-buhay ang komposisyon nina Martin Nievera, Ogie Alcasid, Morisette Amon at isa pang singer na girl.

Maging ang presenters ng awards ay maningning din ang partisipasyon. Nariyan sina Bela Padilla, AJ Muhlach, Phoebe Walker, Ali Khatibi, Cristine Reyes, Janella Salvador, Elmo Magalona at iba pa.

q q q

Hindi man nakarating ang major winners sa acting awards na sina Vilma Santos – Best Actress; Paolo Ballesteros – Best Actor; Angel Locsin – Best Supporting; at John Lloyd Cruz – Best Supporting Actor, nakadama naman ng suporta ang SPEEd mula sa ilang haligi ng movie industry gaya nina Boots Anson-Rodrigo, Liza Dino ng Film Development Council of the Philippines at Aiza Seguerra ng National Youth Commission.

Present ang specials awardees na sina Boy Abunda at Mother Lily Monteverde. Tinanggap ni Kuya Boy ang Joe Quirino Award habang Producer of the Year naman si Mother.

Muntik nang maiyak ang Regal matriarch habang dini-deliver ang kanyang speech. Mahal na mahal kasi siya ng entertainment press at editors dahil bahagi sila ng Regal mula noong nagsisimula pa lamang hanggang ngayon.

Bahagi ng kanyang speech, “I promise that as long as Mother Lily and her children are around, Regal will continue its tradition of quality entertainment, innovative concept and sharing joy and happiness to the Filipino audience.

“It is far from over. We are far from over. Just when you think you have seen our best, I say you have seen nothing yet. This is just the beginning.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mabuhay ang SPEEd at ang The Eddys!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending