2 maghahati sa P39.4M lotto jackpot | Bandera

2 maghahati sa P39.4M lotto jackpot

Leifbilly Begas - June 10, 2013 - 08:30 PM
ISANG 55-anyos na negosyante na naghahango ng paninda sa Divisoria at ibinebenta sa Camarines Sur ang isa sa dalawang maghahati sa P39.4 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 noong Hunyo 6. Pumunta na sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office ang nanalo upang kunin ang kanyang premyo na nagkakahalaga ng P19.7 milyon. Ang nanalo ay mayroong tatlong anak. Siya ay tumaya ng P20 sa lucky pick at makuha annabolang kombinasyon na 22-13-05-19-25-10. Nais ng nanalo na ipagpatuloy ang kanyang pagnenegosyo at magpatayo ng mga apartment. Titipirin umano niya ang pera para sa kinabukasan ng kanyang mga anak. Ayon sa nanalo namimili siya ng mga panindang laruan, damit at kung anu-ano pa sa Divisoria at itinitinda sa kanilang lugar. Minsan ay inuutang pa umano niya ang kanyang mga ititinda sa sukling Intsik.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending