70 kinatay na pawikan nasabat sa Palawan | Bandera

70 kinatay na pawikan nasabat sa Palawan

John Roson - July 07, 2017 - 05:01 PM
Nahaharap ngayon sa kaso ang dalawang lalaki matapos mahulihan ng 70 kinatay na pawikan, sa Dumaran, Palawan.

Dinampot sina Rico Gonzales, 27, at Kim Aristotiles, 28, kapwa residente ng Taytay, Palawan, nang matagpuan ng mga otoridad ang mga sa kanilang bangka Huwebes, sabi ni Supt. Imelda Tolentino, tagapagsalita ng MIMAROPA regional police.

Nagpapatrolya malapit sa baybayin ng Brgy. Bacao ang mga elemento ng Dumaran Police at Bantay-Dagat, nang ma-intercept ang bangka.

Nang inspeksyunin ang bangka ay nadiskubre ng mga otoridad ang mga patay na pawikan, na pawang mga nakabalot sa plastic, ani Tolentino.

Galing ang bangka sa Brgy. Maytegued, Taytay, at nakatakda umanong i-deliver ang mga pawikan sa Balabac, aniya. (John Roson)

– end –

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending