Malditang veteran actress walang awa, pinatulan pati inosenteng child star | Bandera

Malditang veteran actress walang awa, pinatulan pati inosenteng child star

Cristy Fermin |July 07,2017
facebook
share this

Malditang veteran actress walang awa, pinatulan pati inosenteng child star

Cristy Fermin - July 07, 2017 - 12:15 AM

TANONG ng marami, sa pagkakaedad ba ng tao ay kumukupas ang kanyang kamalditahan, nababawasan ba ang kanyang pagiging suplada o ganu’n pa rin?

Maraming babaeng personalidad na nakilala sa pagiging maldita ang medyo nagbago nang magsitanda na sila, pero meron ding hanggang sa kanilang pagtanda ay bitbit pa rin ang kanilang ugali, tulad ng isang female personality na bumibida sa kuwento ng aming source.

Kuwento ng aming impormante, “Hanggang ngayon, e, maldita pa rin ang isang veteran actress.

Napakalaki na ng itinanda niya, although beautiful pa rin naman siya, pero ang maldita niyang dating, e, nand’yan pa rin!

“At hindi lang ‘yun image, talagang suplada rin ang lola n’yo, may pinagmalditahan na naman siya kailan lang! Hatid-sundo kasi ngayon ang lola n’yo ng service ng isang network.

“Ayaw na niyang magdala ng car, masyado raw kasing malayo ang location, kaya nagpapasundo na lang siya at nagpapahatid sa balaysung nila.

“E, nu’ng minsang pauwi na siya, nakita ng veteran actress ang isang child star na nakaupo sa bandang dulo ng van. Nandu’n ang bata kasama ang kanyang madir!

“Nu’ng makita ng lola n’yo ang mag-ina, e, nagwarla na agad siya, ‘Why are you here? What are you doing here? You’re not supposed to be here!’

“Ayaw niyang may kasabay sa van na hindi naman kanya. Nakiusap pala ang mag-ina na sasabay lang hanggang sa highway, tapos du’n na sila sasakay sa bus pauwi.

“Hindi pumayag ang lola n’yo, talagang pinababa niya ang mag-ina sa van. So, naglakad na lang ang magnanay pabalik sa location para du’n magpalipas ng oras,” kuwento ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mabuti na lang at mabait ang pinakabidang babae ng serye, ito ang nagpahatid sa mag-ina sa highway, hindi na lang ito kumibo pero hindi nagustuhan ng bidang aktres ang ginawa ng veteran actress.

Naku, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, para madali n’yong mahulaan kung sino ang bumibida sa kuwento, kantahin n’yo na lang ang “Sa bukid walang papel, ikaskas mo sa pilapil….” Ganu’n!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending