Kahit saan po ako makarating, babalik pa rin ako kung saan ako nagsimula!- Maine | Bandera

Kahit saan po ako makarating, babalik pa rin ako kung saan ako nagsimula!- Maine

Jun Nardo - July 05, 2017 - 12:01 AM

 

UMIRAL ang propesyonalismo ni Maine Mendoza sa Sugod Bahay episode ng Eat Bulaga nu’ng Lunes. Alam namin ‘yung private joke nina at Paolo Ballesteros kapag may hinahanap silang tao sa isang bahay. May kinalaman ‘yon sa pagsama ng tiyan.

Eh, sa halip na iksian ang kuwentuhan sa bahay ng napiling contestant na nasugod, hayun at pinahaba pa nina Paolo, Wally at Bossing Vic. Halos magmakaawa na si Meng na tapusin ang chikahan para maibsan ang pananakit ng tiyan, huh!

Kuhang-kuha sa kamera ang pagmamakaawa ni Maine! Kaya si Alden Richards, inalalayan si Meng at nagsabing tapusin na rin ang segment.

Pagkatapos ng Sugod Bahay, naglahong parang bula ang Phenomenal Star upang mairaos ang sakit ng tiyan!

Anyway, kahapon sa EB, ang second anniversary ni Meng sa Bulaga ang inalala ng AlDub Nation. Mula sa pagiging simpleng dalaga na nag-audition sa number one noontime show sa bansa, isinilang ang isang Phenomenal Star na sa loob ng dalawang taon sa showbiz ay lumikha na agad ng kasaysayan!

Bahagi ng mensahe ni Maine, “Dahil sa EB, ‘yung self confidence ko tumataas, at isang napakalaking achievement na sa akin ‘yun, na nakakawala na rin ako sa kahon. Kaya maraming-maraming salamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa akin.”

“Basta isa lang ang maipapangako ko sa inyo, kahit saan ako makarating, babalik at babalik pa rin ako kung saan ako nagsimula,” pagtatapos ni Meng.

Ito naman ang pangako ni Alden kay Maine: “Kahit anong mangyari, hinding-hindi ka namin pababayaan!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending