DEAR Ateng Beth,
Ako po si Ms. Jie, 24 years old mula sa Quezon City.
Magandang araw po sa inyo.
May ka-live-in po akong lesbiana. Five years na po kaming live-in at sa loob po ng five years na ito ay madami na po kaming hirap at pagsubok na pinagdaanan at marami na po siyang sakripisyo.
Ok naman po ang pagsasama namin. May isang anak na po ako at mahal na mahal niya naman po kaming mag-ina.
Gusto ko lang po humingi ng advice kung dapat lang po bang makuntento na ako sa kanya at huwag nang mangarap pa ng kasal at normal na pamilya?
Maraming salamat po ang more power.
Jie, Quezon City
Dear Jie.
Five years na kayong mag-live in, ok naman kamo ang pagsasama ninyo. Mahal naman kayong mag-ina, ayon na rin sa iyo.
O, ano pa ang hanap mo? Mahal ka na nga gusto mo pa ng kasal? E, alam na alam mo namang mag martial law man sa buong Pilipinas sa panahong ito,
hinding hindi kayo maikakasal.
At kung sakaling maikasal kayo, paano ka naman makasisiguro na sasaya ka na at makukuntento?
Ano ba ang hitsura ng normal na pamilya para sa iyo? May tatay, nanay at anak? o may mabuting pagsasamahan, pagmamahalan at katapatan? Alin doon ang mahalaga sa iyo?
Baka pwedeng gumising na sa pangarap at humarap sa realidad na may mga bagay na dapat ikasaya na natin kung anong meron tayo ngayon. Kung hindi natin kayang maging masaya, baka dapat bitawan na, para lang at least makahanap na siya ng totoong magpapasaya at makukuntento sa kanya.
May problema ka ba sa iyong partner o asawa, GF or BF; o kaya naman may problema sa pamilya o career, itanong na kay Ateng beth at for sure na may sey si ateng diyan. I-text sa 09989558253 o kaya ay mag-email sa [email protected]
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.