Ang pangalawang bisita ko sa China | Bandera

Ang pangalawang bisita ko sa China

Ramon Tulfo - July 04, 2017 - 12:15 AM

KUNG magagarantiyahan natin ang kaligtasan ng mga turista, magiging very, very busy raw ang aking kapatid na si Tourism Secretary Wanda T. Teo sa pagdagsa ng
milyon-milyong turista na taga Mainland China.

‘Yan ang sabi sa akin ng isang negosyente ng Shishi City, isang industrial city ng Fujian province, kung saan karamihan sa mga ninuno ng ating mga Tsinoy ay nanggaling.

Sinabi ng negosyante na maraming mga Tsino ang gustong bumisita sa Pilipinas dahil sa magandang pakikitungo ng ating bansa ngayon sa China.
***

“Marami na kaming mga naririnig na maganda ang iyong bansa sa aming mga kamag-anak at kaibigan na nandoon,” sabi sa akin ng negosyante sa pamamagitan ng interpreter.

Kaya lang daw takot ang mga Tsinong turista at possible investors na pumunta sa Pilipinas dahil takot sila sa kanilang kaligtasan.

‘Yun lang daw lubhang matatapang ang pumupunta sa ating bansa.

If the Philippines becomes safe for tourists and investors, hordes of Mainland Chinese will come here to spend money for leisure and investments, sabi sa akin ng Shishi businessman.

***

Ang negosyante ay isa sa aking mga nakausap nang ako at aking mga engineers sa Ramon TT Environment Products Inc. ay bumisita noong nakaraang linggo sa China.

Isa sa aming nakausap ay ang mayor ng Shishi na si Huang Chunhui.

Sinabi ni Mayor Huang, nang makasalo namin siya sa tanghalian, na tinitingnan ng China ang Pilipinas na panggagalingan ng mga prutas, gulay, isda at seafood
upang pakanin ang napakalaking populasyon ng China.

Ang aming meeting kay Mayor Huang ay isa sa maraming naganap sa pakikipagkita namin sa mga local and business leaders ng Shishi City.

Pumunta kami ng China upang i-promote ang D-1280x, isang fuel additive na gawa sa America na ang Ramon TT ang exclusive distributor sa Asia.

Ang D-1280x ay nagbabawas ng fuel consumption sa mga kotse, bus, trak at barko at bi-nabawasan din ang emission sa tambutso ng mga ito at maging sa mga pabrika.

Dahil dito ay nakakapag-contribute sa pagbawas ng pollution ang D-1280x.

Iniwan ko na ang
aking mga engineers sa China upang i-testing ang D-1280x sa mga bus at kotse roon.

***

Isa sa mga malaking problema ng China ay pollution na sanhi ng mga usok sa mga milyon-milyong pabrika at sasakyan.

Ang Shishi City, na nababalot ng smog o usok ng mga sasakyan at pabrika, ay isang halimbawa ng problema ng pollution sa China.

Shishi is representative of the whole of China in pollution problem caused by its massive industrialization.

***

Shishi is a two-hour ride by car from Xiamen, an island-city which is one of the most beautiful cities in the world.

Ang mga matatayog na mga gusali, well-manicured parks and beaches, mga bagong gubat gawa ng libo-libong bagong tanim ng punongkahoy at ang makasaysayang nakaraan nito ang nang-aakit ng mga turista sa Xiamen.

Ang Xiamen, na ang matandang pangalan ay Amoy, ay isang industrial at port city na binisita noong isang taon ng 60 milyong turista!

The city is still a work in progress as more buildings are being built on lands reclaimed from the sea by a billionaire real estate tycoon, Jose Kho.

May pangalang Tsino si Kho pero gusto niyang makilala siya sa pangalang Kho dahil siya’y may negosyo sa Pilipinas.

Si Kho, na president ng China-Philippine Friendship Society, ay nagpa-patayo ng multi-billion dollar city from a reclaimed area in Tondo, Manila.

Kapag ito’y natapos within 10 years, ang bagong city within Manila ay magiging little Singapore or Hong Kong dahil sa mga matatayog na gusali at mga business establishments.

Si Kho ang aming host sa aming one-week business visit to China.

Siya ay may-ari ng maraming first class hotels sa China.

Karagdagan: Matapos na makita namin ang efficiency ng mga immigration staffs sa Shishi at Xiamen international airports, our points of entry and departure, nakakapanlata na makita ang mahabang pila sa arrival immigration counters sa
NAIA terminal 2 noong Linggo ng gabi.

Ang mga immigration officers ng NAIA ay mabagal kumilos. Matagal silang magproseso ng mga passports ng mga arriving passengers.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Welcome to the Philippines,” nasabi ko sa aking sarili.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending