Pagpapakabit ng 'lawit' ni Jake Zyrus kinondena; kailangan nang ipatawas | Bandera

Pagpapakabit ng ‘lawit’ ni Jake Zyrus kinondena; kailangan nang ipatawas

Cristy Fermin - July 02, 2017 - 12:20 AM

SIGURADONG napapa-sign of the cross ngayon si Nanay Tessie Relucio sa mga bagong rebelasyon ng kanyang apong si Charice Pempengco na kilalang-kilala na rin ngayon bilang si Jake Zyrus.

Kung malapit nang himatayin ang matanda nu’ng magladlad ng katomboyan ang kanyang apo ay nawindang din si Nanay Tessie nang magpalit ng pangalan si Charice.

Pero ano kaya ang mararamdaman nito ngayong ipinaglantaran na ni Charice ang pagpapatanggal niya ng dibdib? Ang dalawang bundok na regalo sa kanya ng langit ay ipinapungos na ng international singer at ngayo’y umiinom na siya ng mga gamot na magpapatubo naman ng kanyang bigote.

Aysus, kabarus, Vito Cruz, Sta. Cruz! Ano na nga ba ang nangyayari sa apo ni Nanay Tessie na isang araw ay magpapapalit na rin pala ng kanyang kasarian?

Sabi ni prop, “Ano ba ‘yan? Pinakialaman na niya ang bigay sa kanya ng Diyos! Ayaw na raw niya sa bibingka, lawit na ang gusto niya? Ipatawas kaya nila si Charice? Baka naman sa sobrang depression niya e, nalilipasan na siya ng gutom?”

Gusto na raw kasi niyang maging tunay na lalaki na ang kanyang itsura, kaya tulad ni Rustom Padilla na BB Gandanghari na ngayon, kakaririn na niya ang lahat ng nararapat ipagawa para maging machong-macho na siya.

Du’n daw kasi siya maligaya. Sa ganu’ng paraan lang daw makukumpleto ang kanyang kaligayahan. Ibigay na raw sana ‘yun sa kanya.

Susmaryosep!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending