Number coding gagawing 2 araw | Bandera

Number coding gagawing 2 araw

Leifbilly Begas - June 27, 2017 - 06:36 PM
Kung susuportahan ng mga mayor sa Metro Manila, gagawin ng dalawang araw ang number coding ng bawat sasakyan sa Kamaynilaan.       Sa pagdinig ng House committee on transportation kahapon, sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority chairman Danilo Lim na maaaring dagdagan pa ang sakripisyo ng publiko para bumilis ang daloy ng trapiko sa National Capital Region.     “Kailangan talaga mabawasan ung volume,” ani Lim. “Siguro pwede namang konting sakripisyo pa para sa lahat. Baka pwedeng gawing two days every week ang hindi paggamit ng sasakyan.”     Sinabi ni Lim na mayroong 2.5 milyon hanggang 2.6 milyong rehistradong sasakyan sa Kamaynilaan at ito ay 30 porsyento ng lahat ng sasakyan sa buong bansa. Pero ang road network umano sa Metro Manila ay limang porsyento lamang ng kabuuang road network sa Pilipinas.     “So we have more than 30 percent vehicles nagsasama sama dito sa less than five percent. So volume problema, kailangan talaga bawasan,” dagdag pa ni Lim. “Napakahirap gumawa ng solusyon kung padami ng padami ang sasakyan at ang kalsada hindi nadadagdagan.”     Ayon sa chairman ng komite na si Catanduanes Rep. Cesar Sarmiento kapansin-pansin ang lalong pagsikip ng daloy ng trapiko sa Metro Manila.     “Hindi ko alam kung itinapat sa pag-upo niyo or may internal problems na kinakaharap nyo,” ani Sarmiento. “Sa konting panahon na pag-upo nyo, ano ba ang problema bakit biglang dumami ang mga (pampasaherong) bus, kulang ang enforcers. Siguro dahil sa kakulangan ng enforcers, yung mga kolorum bumalik ulit sa kalsada.”     Sinabi ni Lim na kailangan ng bawasan ang mga sasakyan na gumagamit sa mga lansangan. 30

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending