Laro sa Miyerkules
(Mahaka Square)
8 p.m. Indonesia Warriors vs San Miguel Beermen (Game 3, best-of-5 finals)
LUMAPIT ang San Miguel Beermen sa isang panalo tungo sa paghagip ng kauna-unahang ASEAN Basketball League (ABL) title nang kunin ang 66-65 panalo laban sa Indonesia Warriors sa Game Two ng Finals kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Kinapitalisa ni Beermen coach Leo Austria ang timeout na hiniling ni Warriors coach Todd Purves upang maidesenyo ang game-winning inbound play nina Leo Avenido at Brian Williams at hawakan ng home team ang mahalagang 2-0 kalamangan sa best-of-five title series.
Nasa 6.8 segundo na lamang ang orasan at naghahabol ng isang puntos ang Beermen matapos maisalpak ni Stanley Pringle ang mahirap na buslo laban sa depensa ng katunggali.
Wala na ring timeout si Austria sa puntong ito pero binigyan siya ng pagkakataon na makagawa ng play nang nag-timeout si Purves.
Umikot si Williams para tanggapin ang inbound ni Avenido tungo sa winning basket.
Inatake pa ni Pringle ang depensa ng Beermen sa huling apat na segundo pero malakas ang binitiwang buslo.
“Maybe they were afraid of our play and they organized their defense,” wika ni Austria sa desisyon ni Purves na tumawag ng timeout sa mahalagang yugto ng labanan.
May 17 puntos at 16 rebounds si Williams ngunit naroroon ang suporta ng ibang kakampi sa pangunguna nina Paul Asi Taulava at Avenido na tumapos bitbit ang tig-walong puntos.
Gumawa ng 21 puntos, 9 rebounds, 6 assists at 1 steal si Pringle para sa Warriors na napilay din nang nawala dahil sa twisted knee si Jerick Canada.
Hindi rin natapos ni JR Smith ang laro nang natapilok ang kaliwang sakong.
Kailangan ngayon ng Warriors na tapatan ang dalawang home wins ng Beermen sa paglipat ng serye sa Mahaka Square sa Jakarta, Indonesia para manatiling buhay ang planong maging kauna-unahang back-to-back champion ng ABL.
The scores:
SAN MIGUEL BEER 66 – B. Williams 17, Banchero 12, Avenido 8, Taulava 8, Acuña 7, J. Williams 6, Fortuna 6, Hubalde 2, Cawaling 0, Menk 0.
INDONESIA 65 – Pringle 21, Daniels 15, Thomas 13, Cañada 11, Wuysang 5, Sitepu 0, Smith 0, Prihantono 0.
Quarters: 14-12, 37-34, 49-51, 66-55
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.