P100K multa ipapataw vs hindi kakanta ng Lupang Hinirang | Bandera

P100K multa ipapataw vs hindi kakanta ng Lupang Hinirang

Leifbilly Begas - June 26, 2017 - 06:03 PM

Isang taong kulong at multa na mula P50,000 hanggang P100,000 ang maaaring kaharapin ng isang tao na hindi kakanta kapag pinatutugtog ang Lupang Hinirang.
Ito ay kapag naisabatas na ang House bill 5224 na naglalayong itanim sa utak ng bawat Filipino ang nasyonalismo.
Sa ilalim ng panukala, papalitan na ang Flag and Heraldic Code of the Philippines Act  (RA 8491) na nagpapataw lamang ng P5,000 hanggang P20,000 sa mga hindi sumusunod sa paggamit ng bandila at simbolo ng bansa.
Kung empleyado ng gobyerno ang magkakamali, may dagdag itong administrative discipline.
Ayon sa panukala, magiging ‘mandatory’ na ang pagkanta sa Lupang Hinirang hindi katulad ngayon. Kailangan din na ilagay ang kanang palad sa tapat ng kaliwang dibdib at humarap sa watawat kung mayroon.
Ang pagkanta rin ng Lupang Hinirang ay dapat kagaya ng areglo at komposisyon na ginawa ni Julian Felipe— 2/4 beat at 100 hanggang 120 metronome kapag tinutugtog at 4/4 beat kapag kinakanta.
Ang National Historical Commission of the Philippines ang naatasan na magpamigay ng tamang pagkanta sa pambansang awit.
Inalis din ng panukala ang kasalukuyang pagbabawal sa paglalagay ng watawat ng bansa sa mga gusali at opisina na inuukupa ng mga dayuhan.
Papayagan na rin ang pagkanta nito sa ibang dialect subalit kailangang aprubado ng NHCP ang bersyong ito at naikonsulta sa Komisyon ng Wikang Pambansa.
Inaprubahan ang panukala sa botong 212-0 bago nag-adjourn ang First Regular Session ng 17th Congress.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending