Richard kay John Lloyd: Mataas ang respeto ko sa iyo, sana magkatrabaho uli tayo!
BUONG linggong panalo sa ratings game at worldwide trending pa ang La Luna Sangre simula noong umere ito noong Hunyo 19.
Unang gabi palang ng LLS ay mala-pelikula na ang level kaya naman hindi na ito binitiwan ng manonood.
Bumaha ng luha at lungkot noong Biyernes dahil namaalam na ang karakter nina John Lloyd Cruz (Matteo) at Angel Locsin (Lia) kasama sina Wowie de Guzman (Benjie), Romnick Sarmenta (Tonyo) at Nina Dolino (Clarisse).
Hawak-kamay na namatay sina Matteo at Lia na ipinagluksa rin ng manonood. Labis na hinangaan ng netizens ang napakagandang eksenang yun. Bumilib din ang viewers sa bakbakan scene nina Lloydie at Angel laban kay Richard Gutierrez bilang si Sandrino.
Inakala ni Sandrino na napatay na niya ang mag-asawa pati ang anak ng mga ito, ngunit nagkakamali siya dahil nailigtas ng isang lobo si Lia (Erika Clemente) at dinala kay Frederick (Victor Neri).
May hinaing naman ang netizens, “Sana ginawang one month sina Angel at John Lloyd. Sana hindi muna sila pinatay. Sana may next project silang magkasama uli.”
Nagpapasalamat naman si Richard kina Lloydie at A-ngel dahil sa napakagandang experience na ito. Nag-post pa siya ng litrato sa kanyang Instagram kung saan magkakasama silang tatlo at ang mga kasama nilang bagets sa serye.
“It’s been epic working with these great actors. Ge-nuine people that made it a fun working experience and also made me push myself and further enhance my craft.
“To Angel, after ten years, it’s nice to finally share the screen with you again, the big screen soon just a teaser for (ChardGel)
“To John Loyd, always respected you as an actor, but now as an action star as well. Haha! Good times filming our fight scenes. Hoping to be able to work with you again in the future,” ang mahabang mensahe pa ni Richard.
Mapapanood na ngayong gabi sa La Luna Sangre ang paglaki nina Tristan bilang si Daniel Padilla at Kathryn Bernardo as Malia.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.