Pampasaherong bus naaksidente sa bundok;15 sugatan | Bandera

Pampasaherong bus naaksidente sa bundok;15 sugatan

John Roson - June 25, 2017 - 08:29 PM
Labinlima katao ang nasugatan nang maaksidente ang sinakyan nilang pampasaherong bus sa bulubunduking bahagi ng Magsaysay, Occidental Mindoro, Linggo ng umaga, ayon sa pulisya.

Kabilang sa mga sugatan ang dalawang sanggol na 6 at 7-buwang gulang at tatlong matanda na edad 68, 63, at 62, ayon sa ulat ng MIMAROPA regional police.

Sumalpok ang sinakyan nilang Dimple Star bus (ACA-9435) sa gilid ng bundok na nasa tabi ng National Road, Brgy. Nicolas, dakong alas-8:45, ayon sa ulat.

Minamaneho noon ni Joey Quintia, 51, ang bus mula Calapan, Oriental Mindoro, patungong San Jose, Occidental Mindoro. May sakay na 20 pasahero ang bus.

Lumabas sa imbestigasyon na habang tinatahak ng bus ang pababang kalsada, nagloko ang preno nito kaya nawalan ng kontrol sa sasakyan ang driver.

Dahil dito’y nagpasya na lang umano ang driver na igilid sa bundok ang bus para mapahinto, at maiwasan ang maaaring mas malala pang insidente, ayon sa pulisya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending