I-text kay Madam Sophia | Bandera

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia - June 10, 2013 - 05:54 AM

Mula kay Sonia Fernaando ng Ozamiz City. February 14, 1989 ang birthday ko.
Sino-sinong zodiac sign at birth date ang ka-compatible ko?
Tugon ni Madam Sophia: Ka-compatible ng birthday mong February 14, 1989 silang isinilang sa zodiac sign na Libra, Gemini, Leo at kapwa mo Aquarius, higit lalo silang may birth date na 5, 14, 23, 4, 13, 22, 31, 7, 16, 25, 2, 11, 20, 29,  1, 10, 19, at 28.
>>>
Mula kay Maricris ng Caingin, Malolos City. Kami na po ba ng boyfriend ko ang magkakatuluyan. October 10, 1991 ako at June 7, 1989 naman ang boyfriend ko.
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday nyong October 10, 1991 at June 7, 1989 naman ang boyfriend mo, sigurado na ang magaganap, kayo na nga ang magkakatuluyan at ang nasabing pag-aasawa ay magaganap sa taong 2014 sa edad mong 23 pataas at 24 pataas naman ang boyfriend mo.
>>>
Mula kay Judes ng …5723. December 13, 1979 ang birthday ko. Ano po ba ang akinbg masuwerteng kulay, at numero sa lotto at kailan kaya ako tatama ng jackpot?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong December 13, 1979 ang pinaka-mapalad mong buwan sa pagtaya sa lotto ay ang buwan ng Marso hanggang Abril at mula buwan ng Hulyo hanggang Oktubre, sa nasabing panahon ka tatama, habang nakasuot ka ng kulay na pula, o kaya’y dilaw, sa mgag suwerte mong numerong 3, 6, 7, 19, 28, 25, 34, 43, at 49.
>>>
Mula kay Jezel ng Balibago, Angeles City.  Tugma at compatible ba kami ng boyfriend ko at kami na po ba ang magkakatuluyan? December 14, 1988 ako at September 5, 1987 naman siya?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong December 14, 1988 at September 5, 1987 naman ang boyfriend mo, tugma at compatible kayo, siguradong darating ang panahong kayo na nga ang magkakatuluyan, humigit kumulang sa taong 2014 hanggang 2015.
>>>
Mula kay Marife ng …1290. January 24, 1979 ang birthday ko. Makapag-aasawa pa kaya ako at kung makapag-aasawa kailan kaya ito magaganap?

Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mongJanuary 24, 1979, para madali kang makapag-asawa, lagi kang gumamit ng kulay na pula, at dilaw, kapag nagawa mo yan, sa taong 2018 sa edad mong 39 pataas makapag-aasaw aka hatid ng isang lalaking matangkad, at kayumanggi ang kulay ng balat na may zodiac sign na Gemini.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending