San Miguel Beermen reresbakan ang TNT KaTropa Texters | Bandera

San Miguel Beermen reresbakan ang TNT KaTropa Texters

Angelito Oredo - June 23, 2017 - 12:03 AM

Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
7 p.m. San Miguel Beer vs TNT KaTropa
(Game 2, best-of-seven Finals)

MARESBAKAN ang TNT KaTropa Texters at itabla ang kanilang serye sa tig-isang panalo ang asinta ng San Miguel Beermen sa Game 2 ng 2017 PBA Commissioner’s Cup best-of-seven championships ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Ganap na alas-7 ng gabi magsasagupa ang Tropang Texters na nagawang itakas ang 104-102 panalo sa unang laro at hangad masungkit ang dalawang larong bentahe sa kampeonato kontra sa naghahangad sa ikalawang sunod na titulo na Beermen.

Naitakas ng Tropang Texters ang panalo mula sa kabayanihan ni import Joshua Smith na bagaman may iniindang injury sa kanang paa ay nagawang makuha ang bola sa isang broken play at maitulak ang koponan sa huling segundong panalo.

“That is what he do best,” sabi ni TNT KaTropa coach Nash Racela. “He (Smith) has that presence of mind to help his teammate during crucial moments at take charge when it matters most.”

Ito ay matapos na  makaiskor si Smith ng isang  baby hook kontra sa bantay na si June Mar Fajardo sa huling 1.6 segundo upang itakas ng Tropang Texters ang unang panalo sa pagbabalik nito sa kampeonato sapul na huling tumuntong noong 2015 Commissioner’s Cup.

Gayunman, posibleng palitan ang 6-foot-10 na si Smith, na dinala muli sa locker room sa ikatlong yugto para bigyan ng lunas ang kanyang namamagang paa na natamo nito sa ikatlong laro ng semifinals nito kontra Barangay Ginebra Gin Kings. Nagtala ito ng 21 puntos at siyam na rebound sa Game 1.

“He (Smith) is on a day to day basis,” sabi pa ni Racela. “He is hurting but he wants to play. Unless our doctors says no, then we will have to put him in the injured list.”

Nakaantabay naman para sa Tropang Texters ang import na si Mike Myers sakaling hindi na payagan ng mga doktor na makalaro sa kampeonato si Smith.

Sasandigan naman muli ng TNT KaTropa ang rookie na si Roger Pogoy na nagtala ng 13 sa kanyang game-high 27 puntos sa ikaapat na yugto kabilang ang dalawang krusyal na tres na nagtulak sa Tropang Texters sa 95-85 abante.

Gayunman, umatake ang San Miguel Beer sa 14-4 bomba upang idikit ang laban sa 99-all bago na naghulog si Jayson Castro ng isa pang tres na nagtulka sa TNT sa iskor na 102-99, may 44 segundo sa laban.

Pinilit ng Beermen na itulak ang laban sa overtime at agawin ang panalo mula sa split ng import na si Rhodes at huling itabla ni Ross sa pares ng free-throws sa huling 7.2 segundo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nakadisensyo naman ang laro ng TNT para kay Castro subalit nabantayan ni Ross bago nagawa ni Smith na pakawalan ang bola tungo sa paghugo ng panalo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending