Pagiging DH sa Hong Kong ikinahihiya ng mga anak | Bandera

Pagiging DH sa Hong Kong ikinahihiya ng mga anak

Beth Viaje - June 23, 2017 - 12:10 AM

DEAR Ateng Beth,

NAMAMASUKAN po ako bilang isang OFW sa Hong Kong.  DH po ako sa madaling salita pero hindi ko po iyon ikinahihiya.

Pero bakit ang mga anak ko tila ikinahihiya ang trabaho ng kanilang ina, samantalang yung trabaho kong iyon ang bumubuhay sa kanila.

Masakit po sa kalooban ko na ang sarili kong mga anak ang hindi proud sa akin.

Bakit daw nagtapos pa ako na maging guro tapos katulong lang ang kauuwian ko.

Gusto ko pa rin pong maging teacher pero, hindi po sapat ang kita para mabuhay ko ang pamilya ko.

Paano ko kaya sila papaliwanagan?  Salamat, ateng Beth.

Erminda ng General Santos City

Dearest Erminda,

Aba! ang sasarap pagkukurutin sa singit ng mga anak mo, ate, ha!

Yamang nahihiya naman sila sa pagiging katulong mo, e ‘di wag mo silang padalhan ng pera na galing sa pagkakatulong mo! Malaman natin ang galing nila.  Ok? Bye!

Siyempre joke lang yun, dahil alam kong bilang isang ina, hindi mo naman sila matitiis, e.

Ipaliwanag mo sa kanila na walang masama sa pagiging katulong.  Katulong lang ang tawag sa ‘yo pero ang trabaho mo ay pinagkakatiwalaan ng mga amo mo na siyang nagpapakain sa kanila; mag aayos ng mga personal nilang gamit at madalas tumitingin sa kanilang bahay at mga anak.

Ang totoong tawag sa ganon ay katiwala, kapalagayang loob.

Bakit nagtapos ka pa sa pagiging guro tapos katulong lang?

Hamon ‘yun sa kanila na maliit ang tingin sa iyo, na sana mas galingan nila ang pag-aaral upang makakuha ng mas magandang trabaho na may mas malaking suweldo.

Tapos sabihin mo sa kanila na nasasaktan ka na ikinahihiya ka nila.  At ang patuloy kang ikahiya ay nakakasakit ng damdamin mo.

Pwede namang ikahiya ka nilang patuloy kamo, dahil nga katulong ka LANG o pwede namang tumigil ka ng trabaho at magutom kayong lahat; tumigil sila ng pag aaral at walang mangyari sa buhay nila.

Mamili kamo sila kung alin doon ang hindi nila ikahihiya.

Kailangan matuto silang tanggapin ang katotohanan at makuntento sa reyalidad ng buhay nila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May suliranin ka ba tungkol sa pag-ibig, relasyon, pamilya o career, itanong na at may sey si Ateng diyan.  I-text lang sa 09989558253.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending