Mga paraan upang hindi mabiktima ng illegal recruitment at human trafficking
Upang hindi mabiktima ng illegal recruitment at human trafficking ang mga naghahanap ng trabaho, may mga pamamaraan upang maiwasan ito
Mahalagang alamin ang status at lisensiya ng placement agency at tiyakin kung ito ay lehitimo bago sila mag-aplay ng trabaho sa ibang bansa.
Inilahad ang iba’t ibang pamamaraan upang matiyak kung lehitimo ang recruitment agency bago sila mag-aplay ng trabaho.
Una, bisitahin ang website ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA). Alamin ang status ng mga lisensiyadong recruitment ageny na nakalista sa https://www.poea.gov.ph/cgi-bin/agList.asp?mode=all.
Maaaring ilagay ng aplikante ang pangalan ng agency at piliin ang kategorya ng recruitment agency kung ito ay land-based o manning agency.
Hinihikayat din ang mga OFW na tumawag sa POEA hotline number (02) 722-1144 at (02) 722-1155 para alamin kung lehitimo ang trabahong iniaalok at ang status ng lisensiya ng kanilang recruitment agency.
Sa kabilang banda, naglabas ng public advisory ang POEA na nagbibigay paalala sa mga OFW at mga aplikante na nagnanais magtrabaho sa ibang bansa na huwag tumanggap ng anumang alok na trabaho mula sa Chuuk State Hospital sa Federated States of Micronesia.
Pinahintong mag-recruit ang Chuuk State Hospital ng mga manggagawang Filipino matapos ang napaulat na pagmamaltrato, paglabag sa kontrata, diskriminasyon at pang-aabuso sa mga migranteng Filipinong manggagawa.
Hinihikayat din ang mga OFW na iulat ang sinumang kahina-hinalang indibidwal o recruitment agency na nag-aalok ng trabaho mula sa nasabing ospital sa Micronesia
POEA Officer -in-charge Aristodes R. Ruaro
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.