MARAMI ang kapighatian, kahirapan, hinahagupit sa gitna ng gulo, kapaguran, pagkagutom. Kailangan ang Banal na Sandatang pananggalan. Iyan ang Pagninilay sa Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (2 Cor 6:1-10; Slm 98:1, 2b, 3ab, 3kd-4; Mt 5:38-42) sa ika-11 linggo ng Karaniwang Panahon.
Malaki ang nagagawa ng panalangin. Hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ang pagtawag ng pangulo, mga senador at kongresista sa Banal na Sandata. Walang tumatawag sa Diyos; walang humihingi ng Kanyang Banal na Awa. Walang dumudulog sa Birhen ng Fatima, ang unang nagbabala laban sa makapangyarihang manliligalig.
Walang balakid ang alok na lumaban ang mga sundalong Kano sa Marawi. Puwede ito sa tatlong tratado (MDT, VFA, EDCA). Kung ang pinangangambahan ay lulusob sa Mindanao ang mga ISIS sa Syria at Iraq, matagal na silang nariyan. Nagkaanak na nga sa local girls ang mga terorista.
Ang tahimik na Moro’t Kristiyano ay wala nang aasahan, maliban sa Banal na Sandata, sa pagdami ng terorista na nakakalat na sa sleeper cells sa iba’t ibang barangay sa bansa. Di na rin maaasahan ang Supreme Court dahil nakaugat na rito ang mga maka-Aquino. Butas daw ang martial law ni Cory Aquino, na maling ginamit ni Digong kontra terorismo. Ang mga batang Aquino rin ang pumanig kay pulot nang walang basehan sa Saligang Batas.
Ang Marawi ay ikawalong wilayah ng IS. Ang pitong iba pa ay nasa Khorasan, Chechnya, Yemen, Sinai, Libya, West Africa at Algeria. Sa arko papasok ng Marawi, nakasulat ang “Islamic City of the Philippines.” Bakit ibinuhos ng IS ang pera’t terorista sa Marawi? Ito ang unang lalawigan na makukuha ng IS sa bansang Katoliko at Kristiyano.
Naantala si Digong sa gera kontra terorismo. Noon pa man ay binomba na ang Davao City (Sasa) at pinasok ng mga bandido ang Igacos. Ang gera kontra terorismo ay di kailangan ng deklarasyon dahil ang terorista ay di sumasalig sa batas. Bakit hindi gamitin ang kaalaman, at kutob, ni Supt. Santiago Pascual? Takot ang mga Moro ng Quiapo kay Pascual. Bakit inalis si Pascual sa Quiapo?
Namumulat na ang taumbayan sa kabulukan ng social media, turan ang fake news. Kumilos na rin ang NBI para hulihin ang nagkakalat na fake news. Magandang balita ito para sa mga may-ari ng dyaryo. Sa dyaryo, may mga editor na susuri sa balita ng mga reporter. Pag hindi balita, o kaduda-duda, di ilalabas. Sa social media, karamihan ay hugot mula sa muhi at kayabangan.
Napakarami na ang maiingay na motorsiklo’t scooter sa Caloocan City, lalo na sa North Caloocan. Dahil sa ingay ay bingi’t manhid na ang mga opisyal, lalo na ang mga pulis. Maiingay din kasi ang motor ng mga pulis. Sa Minglanilla, Cebu, tinatanggal nina Mayor Elanito Peña, Vice Mayor Robert John Selma at police chief Supt. Dexter Calacar ang maiingay na tambutso, saka sinisira.
PANALANGIN: Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo, lupigin Mo ang lahat ng puwersa ng demonyo. San Miguel Arkanghel, ipagtanggol mo kami sa oras ng digmaan. Fr. Jocis Syquia, chief exorcist, Archdiocese of Manila.
REKLAMO mula sa Bayan (0916-5401958; [email protected]): Ang terorismo ay di lamang laban ng AFP, kundi ng buong sambayanang Pilipino. Maging mapagmasid. Magsumbong agad sa AFP o PNP kung may mga naka-high powered firearms, ka-tribo man o hindi. Dapat responsable ang local officials sa kanilang constituents. Kung maagap lang sila, di sana lumaki ang gulo sa Marawi. God bless the Phils. Trina Ruiz …8898
Sana wala nang gera sa Mindanao. Sadyang pinaghandaan ng mga Moro ang gera. Maraming tunnel ang ginawa ng Moro. …0821
May mga kamag-anak ang ilang manliligalig sa Marawi dito sa amin. Pero, nawala ang mga lalaki. Levi, Calle Rizal, Zamboanga City …1650
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.