Andi: Basta, alam kong mabuti akong tao! | Bandera

Andi: Basta, alam kong mabuti akong tao!

- June 22, 2017 - 12:35 AM

“KUNG may isang taong nakakakilala talaga sa akin, ‘yun ang nanay ko!” Ito ang ipinagdiinan ni Andi Eigenmann nang tanungin siya tungkol sa ginawang pagtatanggol sa kanya ni Jaclyn Jose laban sa mag-inang Jake Ejercito at Laarni Enriquez.

Ito’y may konek pa rin sa isinampang petisyon ni Jake sa korte para sa hinihingi niyang joint custody at visitation rights sa anak na si Ellie.

Sa panayam ng Magandang Buhay kahapon, sinabi ni Andi na naa-appreciate niya ang ginagawang pakikipaglaban ni Jaclyn sa kanyang karapatan bilang ina ni Ellie, “Siyempre masaya ako, I mean, but that’s what every mother should do naman. It’s so understandable na ang nanay ko ay palagi niyang iniisip na protektahan ako, o kaya ay ipagtanggol ako dahil anak niya ako.

“Sa lahat naman, siya ang pinakanakakakilala sa akin, siguro higit pa sa pagkakakilala ko sa sarili ko. Naa-appreciate ko talaga ‘yon. Kahit pa sabihin kong hindi niya ako kailangang ipagtanggol kasi palagi kong sinasabi na kapag may mga taong nahuhusgahan ako in a bad way or assumed things of me because iba ang perspectives ng viewers sa kung ano talaga ang nangyayari sa tunay na buhay, okay lang ‘yon sa akin,” mahabang paliwanag ng aktres.

Hirit pa niya, “Kasi lagi kong sinasabi na hindi ko naman kailangang ipagtanggol ang sarili ko sa kanila o kaya i-explain. Wala namang perpekto. We are all human and we all make mistakes but what is important is that we learned from them and it helps us become better people.

“And I know at the end of the day, sa likod ng lahat ng aking pagkakamali, ay mabuti pa rin akong tao. Okay lang sa akin kung hindi matanggap ng iba ‘yon. Basta ang importante ang nanay ko ay naniniwala pa rin sa akin at ang anak ko,” chika pa ni Andi.

Ito naman ang mensahe niya para sa kanyang anak na si Ellie, “I promise to be just be here by her side. My role as a parent is not to dictate kung ano ang dapat niyang gawin sa buhay or kung sino siya dapat maging.

“Basta ang promise ko sa kanya kahit anong mapagdesisyunan niya when she is old enough, whatever she wants to be, whoever she wants to be I will accept her for who she is and I will continue loving her and be by her side no matter what and I will be her number one cheerleader,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending