Ex-mediaman atat magkapuwesto sa Du30 admin | Bandera

Ex-mediaman atat magkapuwesto sa Du30 admin

Den Macaranas - June 21, 2017 - 12:10 AM

IBANG-iba ngayon ang ipinakikitang imahe ng isang dating mediaman na naging pulitiko rin sa nakalipas na mga taon.

Para siyang galit sa mundo ayon sa aking Cricket lalo na nung ipakita niya sa akin ang mga latest tweets ng bida sa ating kwento ngayong araw.

Masyado siyang aktibo sa social media at mistulan siyang berdugo ng mga trolls ng nakalipas na administrasyon.

Ang pagkakaiba lang niya sa ibang trolls ay gumagamit ng tunay na pangalan ang ating bida.

Pinakahuli sa kanyang pinag-initan sa Twitter ay isang laos na singer na sagad to the bone ang pagsuporta sa dating  administrasyong Aquino.

Kulang na lang ay magmurahan ang dalawa sa Twitter sa init ng kanilang palitan ng mga salita at akusasyon.

Sinabi ng aking Cricket na baka nagbago ng imahe si Sir ay dahil nagpaparamdam siya sa kasalukuyang administrasyon.

Noong nakaraang eleksyon ay sinuportahan nila si Pangulong  Duterte makaraan nilang abandonahin ang suporta ng kanilang pamilya kay dating VP Jejomar Binay.

Kung baga sa basketball ay bigla silang nag-iba ng pusta ilang minuto bago matapos ang laban.

Pero makalipas ang isang taon ay hindi pa rin nabibigyan ng pwesto ang ilan sa mga miyembro ng kanilang pamilya na nauna nang napaulat na hahawak ng ilang importanteng posisyon sa administrasyon.

Dati siyang miyembro ng Liberal Party pero ngayon ay handa na siyang makipag head-on sa kanyang mga dating ka-tribo mapatunayan lang ang katapatan sa kasalukuyang pamahalaan.

Pinilit din niyang buhayin ang kanyang career sa media sa pamamagitan ng isang radio station pero wala ring nangyari.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang dating pulitiko na laging mainit ang ulo at naghihintay ng pwesto sa kasalukuyang pamahalaan ay si Mr. R….as in Remington.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending