BAKBAKAN NA | Bandera

BAKBAKAN NA

- June 21, 2017 - 12:15 AM

Laro Ngayon
(Araneta Coliseum)
7 p.m. San Miguel Beer vs TNT KaTropa
ISANG matinding bakbakan ang inaasahan sa PBA Commissioner’s Cup Finals na magsisimula ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
Bagaman llamadong maituturing ang San Miguel Beer ay hindi naman matatawaran ang mga beterano ng TNT KaTropa.
Mangunguna para sa kampanya ng Beermen ay ang import nitong si Charles Rhodes na bagaman siyam na taon nang naglalaro sa iba-ibang liga sa buong mundo ay ngayon lang nakalasap na makapaglaro sa championship round.
“I’ve been in five semifinals, so I know what it feels like. I know what the pain is, not to get the promised land, so that’s why it was so emotional for me,” aniya.
Makakaagapay niya ang three-time Most Valuable Player ng liga na si June Mar Fajardo na inaasahang mananalasa muli sa shaded area para sa Beermen. Makakatulong din niya sina Alex Cabagnot at Chris Ross, na parehong nasa unahan sa karera ng Best Player of the Conference award at ang dating MVP ng liga na si Arwind Santos.
Sa kabilang dako, may iniindang injury ang import ng TNT na si Joshua Smith pero nakaabang lamang si Mike Myers na malamang na ilaro ng KaTropa sa Game 1.
Alam ng KaTropa na para mabigo nila ang Beermen sa seryeng ito ay kailangang maglaro ng mahusay at magpursige sa depensa ang TNT.
“For us to beat San Miguel, we need to play as a team. We know San Miguel is powerhouse team, but we have a combination of veterans and newcomers, so I think it’s our eagerness to win a championship will be the difference-maker for us,” sabi ni TNT point guard Jayson Castro.
Inaasahang sasandalan din ni TNT coach Nash Racela sina Matt Ganuelas-Rosser, Ryan Reyes, Troy Rosario at Roger Pogoy.

Photo: Inquirer

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending