Hunk actor tumanda na sa showbiz pero bobo pa ring umarte
MAY kuwento tungkol sa isang hunk actor na mukhang tinabla na nang tuluyan ng mga unang nag-alaga sa kanyang career. Wala na siya sa nasabing bakuran, kaya panay-panay ang pagpaparamdam niya ngayon, baka nga naman magkaroon ng interes sa kanya ang mga kalaban.
Naburyong siguro ang hunk actor dahil matagal na siyang walang trabaho sa kanyang network, nabibigyan ng trabaho ang kanyang mga kasamahan, pero siya ay hindi.
Minsan ay kinausap niya pala nang masinsinan ang isang ehekutibo ng network kung ano ang talagang plano ng mga ito sa kanya. May pagkabrusko ang kanyang dating.
Kuwento ng aming source, “Natural, sinabihan siya ng kausap niya na iba na ang panahon ngayon. Nagkakaedad na siya, naghahanap pa ng magandang role para sa kanya.
“Actually, dumadaan pa nga sa VTR ang mga artista ngayon ng network. Bago nila makuha ang role, may VTR pa silang pinagdadaanan, tinitingnan kasi ng production kung bagay talaga sa kanya ang role.
“E, hindi na siya bagets na tulad nu’n! Namimili na siya ng role. Kailangan niya talagang maghintay ng tamang role para sa kanya,” sabi ng aming impormante.
Hindi lang daw masabi nang diretso ng kausap ng hunk actor ang isa pang problema kung bakit madalang ang kanyang trabaho.
Kung bakit iba ang nakakakuha ng role na inisip niyang puwede namang kanya na lang sana.
“Siyempre, sobrang napakasakit naman para sa kanya kung magiging brutally frank ang kausap niya.
Pero ang totoo, e, nagiging pabigat siya sa takbo ng trabaho dahil sa pag-arte niya.
“Hindi kasi siya magaling umarte. Iisa ang facial expression niya. Hirap din siyang mag-memorize ng mga lines niya, e, napakalaking abala nu’n para sa production.
“Nakakailang takes siya sa mga eksenang ginagawa niya, nagba-buckle siya sa mga dialogues niya, paano nga naman ‘yun?
“Ham siyang umarte, kailangan niya muna talaga ng breather,” pagtatapos ng aming source.
Naku naman, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, siguradong hindi kayo mauupo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan, promise!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.