Cabagnot, Ross nangunguna sa Best Player of the Conference race | Bandera

Cabagnot, Ross nangunguna sa Best Player of the Conference race

Angelito Oredo - June 19, 2017 - 10:00 PM

NANATILI sa liderato si San Miguel Beermen playmaker Alex Cabagnot subalit kasalo na nito sa 1-2 spot ang kapwa combo guard at Beermen teammate na si Chris Ross sa 2017 PBA Commissioner’s Cup Best Player of the Conference statistical points derby pagkatapos ng semifinals noong Sabado.

Base sa datos na inilabas madaling araw ni PBA chief statistician Fidel Mangonon III, magkabuhol sa primera sa total statistical points na 34.125 ang dalawa tungo sa best-of-seven Finals matchup ng San Miguel Beer at TNT KaTropa bukas ng alas-7 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Nasa unahan ang 34-anyos na 6-footer at 12-year pro na si Cabagnot sa pagtiklop ng elims sa aggregate 34.7 SPs samantalang humabol lang ang 32-anyos, 6-foot-1 at 8-year pro campaigner na si Ross, nasa No. 8 matapos ang elimination round, sa 30.9 SPs. Hindi pa nananalo sina Cabagnot at Ross ng BPC trophy.

Sa tig-16 games total ng dalawa, may 15.13 points, 6.56 rebounds, 5.06 assists at 1.9 steal per game si Cabagnot, samantalang si Ross ay mayroong 13.19 points, 5.19 rebounds, 8.06 assists at 2.94 steals na average.

Kasunod ng dalawang Beermen si five-time BPC winner June Mar Fajardo na sa kada larong averages na 15.60 points, 8.00 rebounds, 1.53 assists at 1.40 blocks ay nakakubra ng 33.067 total SPs sa 15 games. Galing si Fajardo sa No. 4 matapos ang elims.

Kabilang sa top 5 contenders sina Stanley Pringle ng GlobalPort sa 32.538 SPs at Jayson Castro ng TNT KaTropa na may 32.467 SPs sa 15 salang. Nalaglag ang Batang Pier point/shooting guard buhat sa No. 2 habang umangat mula sa pang-anim sa elims si Castro.

Nawala sa top five sina Japeth Aguilar ng Barangay Ginebra at ka-tandem ni Pringle sa GlobalPort na si Terrence Romeo. Nasa third place dati si Aguilar na sumadsad sa No. 6 at bumagsak sa ninth spot si Romeo na nakaupo dati sa fifth place.

Sa Best Import race, solo leader pa rin si Ricardo Ratliffe ng Star na may kabuuang SPs 65.7 sa likod ng 34.7 points., 21.0 rebounds, 3.3 blocks at 2.0 assists per game averages.

Nasa 2-3 spots naman sina Greg Smith ng Blackwater Elite na may 52.909 SPs at Justin Brownlee ng Gin Kings na may 52.500 SPs. Nasa sixth spot si Beermen import Charles Rhodes na may 45.250 SPs mula sa 27.38 points, 10.19 rebounds, 1.81. assists, 1.25 steals at 1.75 blocks.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending