GOOD evening po, tanong ko lang po anong gamot para sa tenga na may lumalabas, wala ako kasing pampa-checkup. — …0169
Luga o “OTITIS MEDIA” yan. Uminom ka ng Sinutab 1 capsule 3x a day for 1 week, Amoxycillin 500 mg 3X a day for 10 days. Linisin ang tenga ng earbuds na may “agua oxinada”.
Doc, paano po maiiwasan ang stretch mark? May gamot po ba dito kasi ang pangit tingnan eh, salamat po. — …8679
Hanggang ngayon ay wala pa ring gamot sa stretch mark. Matatanggal lang ito sa pamamagitan ng operasyon na ” TUMMY TUCK” kung ito ay nasa may tiyan pagkatapos ng maraming panganganak.
Ako po si Aldrin Aquino, 29, taga Sorsogon, Bicol. Ano po ang mga dapat iwasan para manatiling malusog ang isang tao? Salamat po. — …9437
Una, kailangan sapat ang pag-inom ng tubig; pangalawa, balanseng nutrsiyon; pangatlo, sapat na pahinga; pang-apat sapat na ehersisyo o paggalaw; pang-lima, maging mapagpatawad.
Good day po, doc. Past 3 months po nag pa-mamogram po ako kasi may lumabas na yellow stain po sa right breast ko.
Wala naman pong nakitang bukol ano kaya ibig sabihin nung yellow discharge po? Fifty years old na po ako. Ano pa po ang dapat kong gawin para malaman kung bakit meron ako nito? Salamat po. — …4989
“DUCTAL PAPILLOMA” ang madalas na sanhi nito.
Hindi ito kanser pero posibleng magtungo sa kanser. Obserbahan kung may pagbabago sa kulay ng discharge at magkakaroon ng dugo. Kailangan natin ma-biopsy. Pero ulitin ang “SONOMAMOGRAPHY”.
Editor: May reaksyon o tanong ba kayo kay Dr. Heal? I-text ang pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.