Mas maayos na Distracted Driving Guidelines | Bandera

Mas maayos na Distracted Driving Guidelines

Ira Panganiban - June 16, 2017 - 12:10 AM

KAHIT na palagi nating sinisita ang mga mali sa ginagawa ng mga otoridad at pamahalaan, hindi ibig sabihin nito ay wala na tayong nakikitang maganda sa trabaho nila.

Katulad na lamang ng inayos na Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Anti Dsitracted Driving Act (ADDA). Ang bagong set ng guidelines sa pagpapatupad ng batas na ito ay mas malinaw, mas nakakaintindi, at mas direktang tinukoy ang problema nang paggamit ng mga electronic gadget sa pagmamaneho.

Kailangan kasi nating aminin muna na mali ang humawak ng gadget habang nagmamaneho dahil maaari tayong makasakit o mas malalang makapatay ng kapwa.

Sa bagong IRR, nilinaw na ang pakay lamang ng ADDA ay ipagbawal ang paggamit ng gadget habang nagmamaneho. Ayon kay DOTr Assistant Secretary Leah Quiambao, may ibang mga batas na humaharap sa mga ibang driving obstructions tulad ng stickers, plates at tints.
Tanging paggamit ng gadget lamang ang tinutukoy ng ADDA.

Sa bagong IRR, inilatag na ang bahagi ng windshield ng kotse na hindi dapat malagyan ng anumang harang para walang sagabal sa paningin ng driver habang nagmamaneho.

Nilagyan na rin ng kaukulang taas mula sa dashboard ang maaaring gamitin kapag maglalagay ng gadget dito para hindi siya maging harang sa paningin ng driver. Nilinaw na rin ng IRR ang maaari at hindi maaaring sitahin ng mga traffic enforcer kalakip ng bagong batas na ito.

Ang bagong IRR ay binalangkas at nabuo sa tulong na rin ng mga car manufacturers na bahagi ng CAMPI, mga transport groups, mga private motorists at pati mga motoring journalists.

Masasabing ang bagong IRR na ito ay isa sa mga guidelines ng batas na nabuo sa tulong ng mga taong siya mismong apektado na bihira na nating makita sa ibang mga batas ngayon.

Ang importante ngayon ay ang tamang information campaign para maintindihan ng mga motorista ang layunin ng batas at ang angkop na pagsunod sa probisyon ng IRR. Dahil alam naman natin na ang mga driver natin ay sobrang pilosopo na minsan hindi na rin tama magdahilan.

Importante rin ang tamang pag-aaral ng mga traffic enforcer ng IRR na ito para hindi sila basta na lamang manghuhuli o kaya ay gamitin ulit ang bagong batas para mangotong.

Tulad nang sinabi natin, hindi lahat ng oras ay mali ang otoridad. At sa pagkakataong ito, nais kong purihin ang Technical Working Group na bumalangkas ng bagong patakaran na ito dahil di hamak na mas maayos ito sa naunang bersiyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para sa komento o suhestiyon sumulat lamang sa [email protected] o sa [email protected].

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending