Piolo nahirapan sa pagganap bilang ‘viral tatay’ sa MMK
INAMIN ni Piolo Pascual na kakaibang challenge ang na-experience niya sa paggawa ng Father’s Day offering ng Maalaala Mo Kaya na mapapanood na ngayong Sabado.
Ayon kay PJ, hindi niya inakala na napakahirap pala ng karakter na gagampanan niya sa nasabing episode ng MMK kaya aniya, hinding-hindi niya ito makakalimutan sa buong showbiz career niya.
Bilang paggunita nga sa araw ng mga ama, bibigyang buhay ni Piolo ang nakakaantig na kwento ng isang ulirang amang nag-viral sa Facebook matapos i-post ng isang netizen ang kanyang larawan habang pinapanood na kumakain ang kanyang mga anak sa isang fastfood chain.
Lingid sa kaalaman ng marami, mabigat ang pinagdadaanan sa buhay ni tatay Ryan (Piolo), isang masipag at mapagmahal na ama na gagawin ang lahat para sa kanyang pamilya.
Sa kasamaang palad siya ay na-stroke na naging sanhi ng pagkaparalisa ng kalahati ng katawan niya at nakaapekto rin pati sa kanyang pagsasalita. Kaya naman tila naglaho nang parang bula ang mga pangarap ni Ryan para sa pamilya.
Noong una’y inasikaso at inintindi pa siya ng kanyang asawang si Rosalyn (Isabelle Daza), pero nang lumaon ay iniwan rin siya nito at sumama sa ibang lalaki.
Ano ang naghihintay kay Ryan at sa kanyang mga anak? Paano niya bubuhayin ang pamilya at tutulungan ang sarili niya na gumaling?
Makakasama din sa upcoming episode sina Lito Pimentel, Encar Benedicto, Xia Vigor, Ynna Asistio, Myel de Leon at Maika Rivera.
Ang Father’s Day episode na ito ng MMK ay sa direksyon ni Diosdado Lumibao at sa panulat nina Akeem Del Rosario at Arah Badayos.
Ang MMK ay pinamumunuan ng Star Creatives COO na si Malou Santos.
Abangan ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK hosted by Charo Santos, tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.
Nang makausap ng ilang members ng entertainment press si Matteo sa media conference ng Sun Life Financial kamakailan, natawa lang si Matteo nang tanungin tungkol sa kanyang mga sexy photos.
“Me, I just post the things I love doing, my lifestyle, my triathlon, and that’s my avenue. I don’t try to be a sex symbol.
“I just do what I love doing. This is my sports, running, biking, swimming, yun, that’s what I do,” sey pa ng binata.
Hirit pa ng boyfriend ni Sarah, “Yung trunks naman, that’s what you use for swimming. It’s not naman to be sexy. It’s our uniform, kumbaga.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.