HINIHIKAYAT ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang mga miyembro ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) na gamitin ang bagong mobile application nito.
Maari nang gamitin ang bagong mobile application sa pagbabayad ng membership ng mga miyembro ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) gamit ang kanilang smartphones at tablets.
Ang bagong mobile application ng OWWA ay nag-aalok ng iba’t ibang serbisyo para sa kapakinabangan ng mga miyembro ng OWWA, partikular ang overseas Filipino workers na walang oras para magbayad ng kanilang membership fee.
Ito ay pagpapatunay sa dedikasyon na makapagbigay ng maayos na serbisyo sa mga migranteng manggagawang Filipino.
Higit sa papuring tinatanggap ng mga bagong bayani, bagkus ang pagpupunyagi ng pamahalaan na matiyak ang kanilang kapakanan habang sila ay nagsasakripisyo para sa kanilang pamilya at sa ating bayan,
Kinakailangang magbayad ang mga aktibong miyembro ng OWWA ng $25 membership fee kada dalawang taon para patuloy silang makatanggap ng mga benepisyo, tulad ng pautang, TESDA scholarship, pagkakaroon ng livelihood and entrepreneurship seminars at reintegration programs para sa mga umuuwing OFW.
Sa bagong OWWA mobile app, ang mga miyembro ng OWWA ay maaaring makakuha ng impormasyon sa mga programa at serbisyo ng OWWA, tulad ng disability, dismemberment, at death benefits, seafarers upgrading program; skills for employment scholarship program; information technology training program; at OFW Enterprise Development and Loan program.
Maliban sa pagre-renew at pagbabayad ng membership fees kung walang tanggapan ng OWWA kung saan sila nakatalagang bansa, maaari ring tingnan ng OFW ang kanilang personal na impormasyon gamit ang kanilang mobile device, tulad ng employment contract information, membership status, payment history at member beneficiaries.
Makikita rin sa application ang frequently asked questions (FAQs), OWWA hotline numbers, email address, at regional office address.
Libreng mada-download ng aktibong miyembro ng OWWA ang mobile application sa kanilang android device gamit ang Google Playstore.
May 10,000 download na ang mobile application mula nang ito ay mailunsad noong Mayo 2 sa ginanap na ika-35 taong anibersaryo ng OWWA.
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.