Foton, Cignal puntirya ang ikatlong sunod na panalo | Bandera

Foton, Cignal puntirya ang ikatlong sunod na panalo

Angelito Oredo - June 13, 2017 - 12:10 AM

Mga Laro Ngayon
(Filoil Flying V Centre)
3 p.m. F2 Logistics vs Cignal
5 p.m. Petron vs Sta. Lucia
7 p.m. Foton vs Cocolife
Team Standings: Pool A: Cignal (2-0); Petron (1-1); Sta. Lucia (0-1); F2 Logistics (0-1); Pool B: Foton (2-0); Generika-Ayala (1-1); Cocolife (1-1); Cherrylume (0-2)

HANGAD ng Foton Tornadoes at Cignal HD Spikers ang ikatlong panalo para walisin ang unang ikot ng labanan sa pagsagupa nito sa magkakaibang kalaban ngayong hapon sa 2017 Philippine Superliga (PSL) All-Filipino Conference sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

Itataya ng HD Spikers ang malinis nitong kartada sa inaasahang matinding salpukan kontra sa puwersadong manalo na nagtatanggol na kampeon na F2 Logistics sa unang laro ganap na alas-3 nghapon bago sundan ng sagupaan sa pagitan ng Petron at Sta. Lucia sa alas-5 ng hapon.

Pilit na isusustina ng Tornadoes katulong ang national team member na si Jaja Santiago ang matinding paglalaro sa pagsagupa nito sa nanganganib mapatalsik na Cocolife sa ganap na alas-7 ng gabi.

Huling nagtala ang minamataan na makapaglaro sa internasyonal na arena ang 6-foot-5 na si Santiago ng kabuuang 35 puntos upang patumbahin ng Tornadoes ang nakatapat na Generika-Ayala sa loob ng apat na set.

Bagaman ikalawang lokal na manlalaro na nakapagtala ng mataas na iskor sa liga kasunod ng kanyang kapatid na si Dindin Santiago-Manabat na nagtala ng 37 puntos sa paglalaro para sa Petron tatlong taon ang nakaraan ay hindi pa rin kumbinsido ito dahil hindi pa ito lubusang nakakapag-ensayo sa Tornadoes matapos na maglaro para sa Rebisco-PSL Manila sa AVC Asian Women’s Club Championship dalawang linggo ang nakaraan sa Kazakhstan.

“I think I still need to work more,” sabi ni Santiago, na inaasahang magpapamalas kontra Asset Managers. “I will use the next few days to push myself even further and become more consistent.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending