5 kelot tinaga na, binoga pa | Bandera

5 kelot tinaga na, binoga pa

John Roson - June 09, 2013 - 08:04 AM

LIMANG lalaking sangkot diumano sa kriminal na aktibidad ang natagpuang patay matapos pagtatagain at pagbabarilin ng mga di pa kilalang salarin sa Bugallon, Pangasinan, kahapon ng madaling-araw.

Natagpuang patay sina Romel, 38, Jomer, 17, Ronald, 34, Ernesto, 49 — pawang may mga apelyidong Ramoran — at Albert Martinez, 25, sa isang kubo na nasa bakanteng loteng katabi ng Grand Royale Subdivision sa

Brgy. Poblacion, ayon kay Senior Insp. Ryan Manongdo, tagapagsalita ng Pangasinan provincial police.
Kumakain ang lima, na pawang mga tubong-Sual, alas-12:30 ng umaga nang patayin ng aabot sa 10 armado at naka-bonnet na kalalakihan, ayon kay Manongdo.

Lumabas aniya sa imbestigasyon na tinutukan muna ng baril ng mga armado ang lima, bago iginapos sina Jomer at Albert ng plastic strap at tinaga ang ulo ng dalawa.

“When Rommel, Ernesto, and Ronald attempted to fight back, they were shot on the different parts of the body. As a consequence, all victims died on the spot,” sabi ni Manongdo sa isang text message.

Natagpuan ng mga rumespondeng pulis sa pinangyarihan ang 16 basyo’t limang slug ng kalibre-.45 pistola at 14 plastic strap. Nakakuha naman ng balisong at cell phone sa bangkay nina Rommel at Albert.

Tinitingnan ng mga imbestigador ngayon ang posibilidad na may kaugnayan ang pagpatay sa diumano’y pagkasangkot ng mga biktima sa krimen.

Napag-alaman sa mga taga-doon na sangkot ang lima sa iba’t-ibang uri ng pagnanakaw gaya ng akyat-bahay at cattle rustling, ayon kay Manongdo.

Nalaman din na si Rommel ay dating na-convict sa kasong robbery with acts of lasciviousness ngunit nagawaran ng parole nito lang Abril, ayon sa provincial police spokesman.

Nagsasagawa aniya ngayon ng malalim na imbestigasyon ang Bugallon Police para makilala ang mga salarin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending