Tanduay tinisod ang CEU sa D-League | Bandera

Tanduay tinisod ang CEU sa D-League

- June 07, 2017 - 12:15 AM

Games Tomorrow
(Ynares Sports Arena)

10 a.m. Zark’s Burger vs Racal
12 n.n. Cignal HD vs Marinerong Pilipino
Team Standings: Batangas (2-0); Flying V (2-0); Racal (1-0); Cignal HD (2-1); Gamboa (1-1); Tanduay (1-1); Wangs (1-1); AMA (0-1); Marinero (0-1); CEU (0-2); Zark’s (0-2)
SINANDIGAN ng Tanduay ang mga beteranong manlalaro nito sa pagbigo sa Centro Escolar University, 75-60, kahapon sa 2017 PBA D-League Foundation Cup sa Ynares Sports Arena, Pasig City.
Pinamunuan ni Lester Alvarez ang opensa ng Rhum Masters sa naitala nitong 16 puntos at limang assists habang nag-ambag naman si Adrian Santos ng 16 puntos at siyam na rebounds sa unang panalo ng koponan sa dalawang laban.
Nagdagdag din ng 11 puntos at limang rebounds si Paul Varilla para sa Tanduay na nabigo kontra Cignal HD noong Huwebes, 89-63.

“I got a team na puro veterans so they need to step up talaga. I feel doon kami nagkulang sa game namin against Cignal kasi hindi nagdeliver yung mga veterans ko. Hopefully, yung pagkatalo sa namin sa Cignal will be a blessing in disguise. Ginulpi nila kami at lahat ng hiya namin, tinanggal nila,” sabi ni Tanduay head coach Lawrence Chongson. “Hopefully, yun ang maging battlecry namin.’’

Kumawala ang Rhum Masters sa third quarter kung saan umiskor ito ng 30 puntos upang makuha ang 60-42 kalamangan

Nakadikit sa 11 puntos ang Scorpions, 67-56, sa pamumuno nina Rod Ebondo at JK Casiño pero nagtulong-tulong sina Emil Palma, Santos, at Alvarez para mapanatili ang kalamangan ng Tanduay.

Si Ebondo ay may 20 puntos at 14 rebounds, habang si Casiño ay nagdagdag ng 11 puntos at tatlong assists para sa wala pang panalong CEU.

Sa isa pang laro, ibinuslo ni Cedric de Joya ang game-winning banker para itulak ang Batangas sa 81-79 panalo kontra Wangs Basketball.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending