Maine matindi ang hugot sa bashers, pati Twitter account ‘burado’ na
PALAISIPAN pa rin para sa mga loyal supporters ni Maine Mendoza kung bakit biglang na-deactivate ang kanyang Twitter account.
Kahapon, usap-usapan sa social media ang tungkol dito, tanong ng kanyang mga followers ano raw kaya ang hugot ng Dubsmash Queen sa pag-deactivate ng Twitter account niya na meron nang mahigit na 4.4 million followers.
Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pa ring official statement si Maine. Tsinek namin ang nasabing account at wala ka na ngang mababasang tweet dito. May nakalagay pa ritong “user not found”.
Ang feeling ng ilang followers ni Maine may kinalaman ito sa ilang pa-saway na AlDub fans na ayaw tumigil sa pagpo-post ng mga kanegahan sa social media.
Nauna na kasing naglabas ng kanyang saloobin si Maine tungkol dito, talagang pinagsabihan na niya ang ilang fans nila ni Alden na walang ginawa kundi mang-away at magsalita ng masasama.
Inamin ng phenomenal star na kahit paano’y affected na rin sila ni Alden sa pagi-ging nega at pasaway ng ilang fans. Nagpapasalamat siya sa pagmamahal ng mga ito pero sana naman daw ay ti-gilan na ang mga hate message.
Sabi nga niya sa kanyang tweet, “I do not get how people can throw so much hate on others. I mean.. inano ba nila kayo?”
Na sinundan pa ng, “I know how much you love us and how hard you try to protect us but enough with the foul words, guys.. Hindi na tama.”
Sinagot din niya ang tanong ng isa niyang follower kung sino ba ang pinoprotektahan niya o ipinagtatanggol sa kanyang mga mensahe. Ani Maine, “Dapat ba laging may pinagtatanggol? Hindi ba puwedeng sabihin lang kung ano yung tama? Oh btw, that tweet is for all of you.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.