1,200 miyembro ng ISIS na sa PH na, ayon sa opisyal ng Indonesia | Bandera

1,200 miyembro ng ISIS na sa PH na, ayon sa opisyal ng Indonesia

- June 04, 2017 - 04:22 PM

TINATAYANG  1,200 mga miyembro ng Islamic State (IS) ang nasa Pilipinas, kasama na ang 40 mula sa Indonesia, ayon sa Indonesian defense minister, matapos ang isinagawang international security forum kahapon sa Singapore.
“I was advised last night, 1,200 ISIS in the Philippines, around 40 from Indonesia,” sabi ni Defense Minister Ryamizard Ryacudu sa Shangri-La Dialogue.
Ito’y sa harap ng paglusob ng mga miyembro ng Maute sa Marawi.

“How can we tackle these foreign fighters? We have to be comprehensive,” dagdag ni Ryacudu, na isang retired general.
Sinabi naman ni Defense Undersecretary Ricardo David, na dumalo rin sa forum, na bago sa kanya ang sinasabing 1,200 miyembro ISIS na nasa Pilipinas na.

“I really don’t know, my figure is about 250-400, a lot less,” sabi ni David.

Idinadag ni David na tinatayang 40 ISIS ang sinasabing kabilang sa mga lumusob sa Marawi, kung saan walo rito ang napatay ng tropa ng gobyerno.

“Our intelligence estimates that there are about 40 foreigners that fought in the Marawi incident,” ayon kay David. AFP

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending