Jeep bumaligtad: 22 sugatan | Bandera

Jeep bumaligtad: 22 sugatan

John Roson - June 01, 2017 - 04:52 PM
Dalawampu’t dalawa katao, karamiha’y menor de edad, ang nasugatan nang bumaligtad ang sinakyan nilang jeepney sa Tanudan, Kalinga, ayon sa pulisya. Kabilang sa mga sugatan ang 12 kabataang may edad 5 hanggang 14, ayon sa ulat ng Cordillera regional police. Naganap ang insidente dakong alas-11 ng umaga Miyerkules sa Sitio Gimma, Brgy. Babbanoy. Minamaneho ni Marlon Morgia ang pampasaherong jeepney nang biglang itong bumaligtad, ayon sa ulat. Lumabas sa inisyal na imbestigasyon na maputik at madulas ang kalsada, kaya naganap ang insidente. Dinala ang mga sakay ng jeep sa Kalinga Provincial Hospital para malunasan ang mga bahagyang pinsala na kanilang tinamo, ayon sa ulat.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending