Palasyo natuwa sa pagsuporta ng Senado sa martial law | Bandera

Palasyo natuwa sa pagsuporta ng Senado sa martial law

- May 30, 2017 - 01:49 PM
IKINATUWA ng Palasyo ang ipinasang resolusyon ng Senado matapos nitong suportahan ang pagdedeklara ni Pangulong Duterte ng martial law sa Mindanao. Ito’y matapos 15 senador ang pumirma sa isang resolusyon na sumusuporta sa Proclamation number 216 kaugnay ng batas militar sa Mindanao. “We thank the Senate for its resolution expressing support to the President’s declaration of martial law in Mindanao,” sabi ni Abella. Idinagdag ni Abella na kumilos lamang agad si Duterte para mapigil ang nangyayaring rebelyon sa Marawi City at maiwasan ang pagkalat nito sa iba pang probinsiya sa Mindanao. “However, the executive branch cannot do it alone. We need the cooperation of the entire government and the support of our people to finally flush out the evil forces, restore normalcy, and bring peace to the island of Mindanao,” ayon pa kay Abella.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending