Maangas na male star mahirap katrabaho, feeling super talino
MARAMING katrabaho niya ang hindi natutuwa sa pinalulutang na kaangasan ng isang male personality.
Hindi raw nila akalain na nuknukan pala ng kayabangan ang lalaking personalidad, salamat daw at nadiskubre nila ‘yun, dahil ang akala ng mga ito ay okey siya.
sa isang kilalang pamilya sa showbiz ang male personality, lalo na sa mundo ng musika, kilalang-kilala ang kanilang lahi.
Sabi ng isang source, “Maangas siya. Feeling niya, e, napakatalino na niya at alam na niya ang lahat-lahat. Ewan kung kanino siya nagmana. Ewan kung sino ang peg niya.
“Maraming naiinis sa kanya dahil ang pakiramdam nga ng lalaking ‘yun, e, wala na siyang kailangan pang matutuhan. Hindi siya nakikinig sa mga suggestions, kung ano ang gusto niya, ‘yun ang gagawin niya!” simulang kuwento ng aming impormante.
Maraming nanghihinayang sa male personality, kung namana lang daw niya ang pagiging humble ng mga kamag-anak niya, sana’y wala nang problema.
“In fairness, talented naman siya, e. May ibubuga naman siya, pero ang nakakalungkot nga lang, e, may kayabangan siya. Naiilang sa kanya ang mga katrabaho niya dahil lalaking Simang ang lalaking ‘yun!
“Palagi kasi siyang nakasimangot! Parang pasan niya ang problema ng buong mundo sa dating niya! Hindi ba siya tinuturuan ng mga kaanak niya para matuto siyang makisama sa mga katrabaho niya?
“Sa tagal na ng mga kapamilya niya sa showbiz, e, walang nagiging problema sa kanila. Sa kanya lang nagkaroon dahil nga ang feeling niya, e, super-talino na niya. Tuloy, kapag nasa set na siya, e, kapansin-pansin na walang nakikipag-usap sa kanya.
“Para siyang nganga, walang pumapansin sa kanya, hindi welcome sa showbiz ang mga tulad niyang super-angas! I-revive niya kaya ang kantang Di Na Natuto?
“Ano sa palagay n’yo, Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday? Kabisado niya naman ang piyesang ‘yun, di ba?” pagtatapos ng aming source.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.