‘Alisto’ ni Igan 4 years nang nagbibigay babala | Bandera

‘Alisto’ ni Igan 4 years nang nagbibigay babala

- May 30, 2017 - 12:35 AM

NGAYONG Martes, sa pagdiriwang ng Alisto kasama si Arnold Clavio ng ikaapat nitong anniversary, sisiyasatin ng programa ang mga aksidenteng madalas mangyari sa ilang lugar at bilang bahagi ng “Serbisyong Totoo”, ay bibigyan nito ng solusyon ang problema para iwas peligro.

Sa intersection ng 10th Avenue corner 8th Street sa Caloocan City, madalas ang aksidente ayon sa kapitan ng barangay. Kabilang na riyan ang salpukan ng SUV at taxi, banggaan ng motorsiklo at jeep, at mga sumemplang na motorsiklo.

Ganito rin ang problema sa Barangay Moonwalk, sa intersection ng E. Rodriguez corner Armstrong Avenue sa Parañaque City. Ang mga aksidente, pauli-ulit.

Sa pagsusuri ng Department of Public Works and Highways, natuklasan na kakulangan ng sapat na road signs ang isa sa mga dahilan ng mga askidente.

Kaya naman kasama ang lokal na pamahalaan at DPWH, isinagawa ng Alisto ang “Project Road Safety” sa ilang accident-prone area sa Metro Manila. Ang misyon, maglagay ng traffic at road signs sa parehong intersection para maiwasan na ang aksidente.

Samantala, mula Enero hanggang Marso ng taong kasalukuyan, nakapagtala ang Quezon City Police District ng 10 crime-prone barangays sa lungsod. Nanguna rito ang Brgy. Socorro na may mahigit 18 insidente ng krimen, kabilang na ang pandurukot, shoplifting, at snatching. Mayroong 57 CCTV pero sira ang ilan sa mga ito.

Sa Barangay 696, Malate, Maynila naman, nag-viral ang pag-atake ng mga riding-in-tandem na nakuhanan ng CCTV camera. Ayon sa awtoridad, ang ebidensya na nakuhanan ng CCTV camera ang naging tulay para mahuli ang mga suspek. Sa ngayon, may 16 na CCTV camera ang Barangay 696 pero ilan din dito ang hindi na gumagana.

Ang mga kulang at sirang CCTV camera ng mga barangay, inaksyunan ng Alisto sa “Project CCTV”. Huwag palampasin ang 4th Anniversary Special ng Alisto kasama si Igan ngayong gabi, pagkatapos ng Saksi sa GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending